#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na may kinalaman ang kasaganaan sa uri ng pagkain na kinokonsumo ng mga pamilyang Pilipino?
Ayon sa National Nutrition Survey noong 2018-2019, mas mababa ang pagkonsumo ng mga mas maykayang pamilya ng cereals (gaya ng kanin at trigo) at mga gulay, habang mas mataas naman ang kanilang pagkonsumo ng animal products, fats and oils, at prutas.
Samantala, mas mataas ang pagkonsumo ng mga mahihirap na pamilya ng bigas, sugars and syrups, at gulay, na siyang pinakamababa naman sa mga maykayang pamilya.
Pinakamalaki ang agwat sa pagkonsumo sa karne, isda, at gatas, kung saan mas kinokonsumo ito ng mga maykayang pamilya.
Alamin ang kaugnayan ng mga nagdaang economic shocks sa pag-konsumo ng mga Pilipino ng pagkain sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Food and Nutrient Intake Response to Food Prices and Government Programs: Implications for the Recent Economic Shocks” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/food-and-nutrient-intake-response-to-food-prices-and-government-programs-implications-for-the-recent-economic-shocks