#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na 41% lamang ng mga pampublikong ospital ang nakakasunod sa iniatas na bilang ng mga nars sa bawat ospital.
Sinasabi sa DBM-DOH Joint-Circular 2013-01 for Nurses na naaayon dapat ang bilang ng mga nars sa level ng service capability at bed capacity ng bawat ospital, upang maiwasan ang overworking at pag-alis ng mga nars.
Alamin ang kalagayan ng kapasidad at kahandaan ng mga pampublikong ospital sa Pilipinas sa isang pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Assessment of the Service Capability and Readiness of Philippine Hospitals to Provide High-Quality Health Care” sa link na ito: https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/PUBLICATIONS/pidsdps2132.pdf.