#PIDSInfoBits: Alam niyo ba na humaba ang life expectancy ng mga Pilipino ng sampung taon sa nagdaang anim na dekada?
Noong 1960s, ang life expectancy ng mga Pilipino ay nasa 61 taong gulang, kulang lamang ng apat na taon upang sumampa sa edad na kwalipikado upang makatanggap ng pensyon. Noong 2020—paglipas ng anim na dekada—umangat ito sa 71 taong gulang, gawa ng patuloy na pagtaas nito simula noong 1980s. Maaari itong maiugnay sa iba’t-ibang dahilan, ngunit higit sa lahat, sa pagpapalawig ng mga serbisyong pangkalusugan sa bansa.
Alamin ang kalagayan ng sektor pangkalusugan ng Pilipinas sa isang lathalain ng PIDS na pinamagatang: “Four Stylized Facts on Health in the Philippines” sa link na ito: https://pidswebs.pids.gov.ph/CDN/PUBLICATIONS/pidspn2111.pdf