Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo kaugnay ng pagdaraos ng Development Policy Research Month (DPRM) 2022 na nakasentro sa temang “#AlisinAngAgwat: Pabilisin ang Pag-ahon Mula sa Pandemya sa Pamamagitan ng Katarungang Panlipunan”.
Napag-alaman sa isang pag-aaral ng PIDS na mas mataas ang tsansang humarap sa mga balakid sa pagkatuto ang mga estudyanteng nasa pampublikong paaralan kumpara sa mga nasa pribadong paaralan. Sila ay mas kapos sa buhay at may mababang literacy scores.
Sa pagbangon ng bansa mula sa pandemya, isang makatarungang lipunan ang dapat na maging pundasyon upang masiguradong lahat ng mga estudyante, saan man sila nag-aaral, mayaman man o mahirap, ay nakakatamasa ng de-kalidad na edukasyon na umaakma sa mabilis at pabagu-bagong mundo.
Mahalagang ang mga polisiya para sa pagkakapantay-pantay sa pagkamit ng edukasyon ay komprehensibo at maayos na naipapatupad.
Ang #PIDSFactFriday DPRM 2022 Edition ay halaw sa isang paparating na pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Close the Gap: Accelerating Post-pandemic Recovery through Social Justice”.