Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo ukol sa technical and vocational education and training sa Pilipinas.
Lumabas sa isang pag-aaral ng PIDS na nagbago na ang composition ng mga kumukuha ng technical and vocational education and training (TVET).
Kadalasan, ang TVET ay targeted para sa mga high school graduates na ‘di na nais tumuloy sa kolehiyo. Subalit ayon sa Study on the Employability of TVET Graduates ng TESDA noong 2019, nakitang mga college graduates o higit pa ang may pinakamataas na bilang ng TVET graduates (36%). Kaugnay nito ang pagbabago ng pangunahin dahilan ng pagkuha ng TVET: mula sa employment, naging pangunahing dahilan na ang skills upgrading/enhancement.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Philippine Education: Situationer, Challenges, and Ways Forward” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/philippine-education-situationer-challenges-and-ways-forward