Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa Seal of Good Local Governance o SGLG.
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS, mas maraming maykayang mga munisipalidad ang nakakapasa sa Seal of Good Local Governance o SGLG. Samantalang 86% ng mga SGLG passers ay 1st class municipalities, 47% lamang ng mga SGLG passers ang 6th class municipalities.
Inirerekomenda sa pag-aaral na muling suriin ang layunin ng SGLG at ang pagbibigay ng Performance Challenge Fund (PCF) at kung nabibigyan ba ng kaukulang konsiderasyon at suporta ang mga low income na mga munisipalidad.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Assessment of the Performance Challenge Fund and the Seal of Good Local Governance: Perceptions from Municipalities” sa link na ito: https://www.pids.gov.ph/publication/discussion-papers/assessment-of-the-performance-challenge-fund-and-the-seal-of-good-local-governance-perceptions-from-municipalities