Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa paggamit ng e-commerce ng mga women-led MSMEs.
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS, ang paghihigpit o restrictions na dulot ng pandemya ang pangunahing dahilan ng paggamit ng e-commerce ng mga maliliit na negosyo (MSMEs) sa Metro Manila na pinangungunahan ng mga kababaihan.
Kabilang sa iba pang mga dahilan ay karagdagang kita at ilang customer-related na dahilan gaya ng mas madaling pakikipag-ugnayan, mas mabilis na transaksyon, at mas malawak na reach.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “E-Commerce Adoption and Its Impact on the Performance of Women-led MSMEs in Metro Manila: An Ex-ante Study for RCEP” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/e-commerce-adoption-and-its-impact-on-the-performance-of-women-led-msmes-in-metro-manila-an-ex-ante-study-for-rcep