Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo kaugnay ng pagdaraos ng Development Policy Research Month (DPRM) 2022 na nakasentro sa temang “#AlisinAngAgwat: Pabilisin ang Pag-ahon Mula sa Pandemya sa Pamamagitan ng Katarungang Panlipunan”.
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS, posibleng pinataas ng pandemya ang bilang ng mga kabataang not in education, employment, and training (NEET). Dahil sa pandemya, mas matindi ang naging epekto ng income inequality at digital divide sa mga mahihirap na pamilya. Maaari itong humantong sa mababang kakayahang magsulat at magbasa, pati sa kakulangan sa kasanayan ng mga kabataan. Ito ay maaaring magtulak sa kanila sa mga impormal na trabahong may mababang sahod.
Upang maiwasan ito, mahalagang naka-angkla sa mga prinsipyo ng social justice o katarungan panlipunan ang mga polisiya at programa ng bansa sa pagbangon nito mula sa pandemya. Dapat na masigurado ng pamahalaan na bawat isa ay may kakayahang makamit ang de-kalidad na edukasyon at pagsasanay.
Ang #PIDSFactFriday DPRM 2022 Edition ay halaw sa isang paparating na pag-aaral ng PIDS na pinamagatang “Close the Gap: Accelerate Post-pandemic Recovery through Social Justice”.
#DPRM2022CloseTheGap
#DPRM2022AcceleratePostPandemicRecoveryThroughSocialJustice
#DPRM2022AlisinAngAgwat
#DPRM2022KatarungangPanlipunan