Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa lagay ng air transport infrastructure ng Pilipinas.
Base sa datos mula sa Oxford Economics (2020), nahuhuli ang Pilipinas sa kalidad at kapasidad ng mga paliparan nito, kumpara sa mga karatig-bansa sa Asya.
Dagdag pa rito, kinakaharap din ng mga paliparan sa bansa ang isyu ng kapasidad, kapabilidad, at kakulangan ng maayos na institutional environment.
Sa kasulukuyan, may mga panukalang batas na naglalayong lunasan ang mga isyu sa air transport system sa bansa, gaya ng Senate Bill 1490 o Philippine Airports Authority Act. Layunin ng mga panukalang batas kagaya nito na pagbutihin ang air transport infrastructure ng bansa.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Philippine Air Transport Infrastructure: State, Issues, Government Strategies” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/philippine-air-transport-infrastructure-state-issues-government-strategies