Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa kalagayan ng platform work sa Pilipinas partikular para sa mga ina.
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS, malaking bagay para sa mga kababaihan, lalo na sa mga ina, ang flexibility na naibibigay ng freelance work.
Ito ay dahil mas malaya silang gamitin ang kanilang oras na akma sa pag-aasikaso ng kanilang mga pamilya’t anak na hindi nako-kompromiso ang paghahanapbuhay.
Dahil dito, inirerekomendang magbigay ng non-price benefits sa mga inang working-from-home, gaya ng libreng pagpapapasok ng kanilang mga anak sa daycare centers sa barangay. Ang pagsasabatas ng pagbibigay ng mga non-price benefits sa mga kababaihang naghahanapbuhay habang nasa kanilang mga tahanan ay dapat suportahan upang maengganyo ang mga ina na lumahok sa ekonomiya.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “DigitALL for Her: Futurecasting Platform Work for Women in Rural Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/digitall-for-her-futurecasting-platform-work-for-women-in-rural-philippines