Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa kakayanan ng PhilHealth bilang national purchaser ng bansa, ayon sa nakasaad sa Universal Health Care Act.
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS, malayo pa ang kasalukuyang kapabilidad ng PhilHealth bilang national purchaser ng Pilipinas sa inaasahang kakayanan nito sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) Act.
Ito ay dahil may mga kakulangan pa ang institusyon sa purchasing power, pagbibigay ng primary health care na cost-effective, at ng karampatang pamamahagi ng mga resources nito.
Dahil dito, inirerekomenda ng nasabing pag-aaral na palawakin ng PhilHealth ang kakayanan nitong magbigay ng malinaw at sapat na benepisyo, alinsunod sa UHC Act. Gayundin, dapat na paigtingin at pabilisin ang proseso ng mga performance-based payment mechanisms nito, upang mas masuportahan ang mga pampubliko at pribadong health facilities.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “The Financial Health of Select Philippine Hospitals and the Role of the Philippine Health Insurance Corporation as the National Strategic Purchaser of Health Services” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/the-financial-health-of-select-philippine-hospitals-and-the-role-of-the-philippine-health-insurance-corporation-as-the-national-strategic-purchaser-of-health-services