Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa industriya ng electric vehicles sa bansa.
Ayon sa isang survey ng Nissan at Frost & Sullivan noong 2018, 48 porsyento ng mga vehicle owner sa Pilipinas ay bukas sa pagbili ng electric vehicles (EVs) bilang susunod na sasakyan. Ang bilang na ito ang pinakamataas sa anim na bansa sa Timog-Silangang Asya (Indonesia, Malaysia, Singapore, Thailand, at Viet Nam).
Dahil may presensya na ng EVs sa bansa, mahalagang palakasin ang industriya na ito, lalo na't malaki ang maiitulong ng EVs sa pagpapababa ng greenhouse gas emissions.
Upang mas mahikayat pa ang mga investors at consumers sa paggamit ng mga EVs, kailangan munang matugunan ang mga isyu ng industriya.
Kaugnay nito, inirerekomenda sa isang pag-aaral ng PIDS ang pagbuo ng isang komite o konseho na mamumuno sa pagtataguyod ng EV industry sa bansa, paggawa ng naaakmang roadmaps para sa battery manufacturing at charging infrastructure, at pagbibigay ng insentibo sa pagbili at paggamit ng electric vehicles.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Clean Energy Technology in the Philippines: Case of the Electric Vehicle Industry” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/clean-energy-technology-in-the-philippines-case-of-the-electric-vehicle-industry