Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa food security sa bansa.
Ayon sa isinagawang Rapid Nutrition Assessment Survey ng Food and Nutrition Research Institute noong 2020, pinakamataas ang food insecurity sa mga kabahayang may mga bata (74.7%) at buntis (80.8%).
Dahil dito, inirerekomendang agarang matutukan ang kalusugan at nutrisyon ng mga kabataan at mga ina (buntis at lactating), lalo na’t may panghabambuhay at permanenteng epekto ang malnutrisyon sa mga bata at kanilang mga ina, partikular sa mga mahihirap na pamilya.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Is Food Supply Accessible, Affordable, and Stable? The State of Food Security in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/is-food-supply-accessible-affordable-and-stable-the-state-of-food-security-in-the-philippines