Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa financial technology sector ng bansa.
Ayon sa International Institute for Management Development, simula 2016, patuloy na nakakuha ang Pilipinas ng score na 6.7 pataas pagdating sa skilled labor availability.
(10 ang pinakamataas sa nasabing scoring system)
Dahil patuloy ang paglawak ng fintech sector sa Pilipinas, inirerekomenda sa isang pag-aaral ng PIDS na paigtingin ang Philippine Skills Framework, gayundin ang mga curriculum ng mga kursong may kaugnayan sa fintech. Mahalaga ang mga ito upang maihanda ang mga kabataang Pilipino sa mga propesyong may kaugnayan sa fintech industry at makasabay ang mga manggagawa sa mga pagsubok na dala ng Fourth Industrial Revolution, pati na rin ng pandemya.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Analysis of the Fintech Landscape in the Philippines” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/research-paper-series/analysis-of-the-fintech-landscape-in-the-philippines