Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa estado ng access sa higher education sa bansa.
Ayon sa isang pag-aaral ng PIDS, nananatiling walang pagkakapantay-pantay sa access sa higher education sa Pilipinas.
Base sa Annual Poverty Indicators Survey noong 2019, 49 na porsyento ng mga nasa pinakamayamang grupo (richest decile) ang nakatungtong sa kolehiyo, habang 17 na porsyento lamang ng mga nasa pinakamahirap na grupo (poorest decile) ang nakagawa nito. Maging sa mga pampublikong higher education institutions (HEIs), mas maraming maykaya ang nakakapasok kaysa sa mga mahihirap.
Dahil dito, inirerekomenda na tugunan at pagbutihin ang financing schemes sa bansa. Dahil karamihan sa mga mag-aaral ng mga pampublikong HEIs ay mula sa middle hanggang upper class, ito’y nangangahulugang hindi epektibo ang free tuition policy.
Basahin ang lathalaing pinamagatang “Philippine Education: Situationer, Challenges, and Ways Forward” sa link na ito: https://pids.gov.ph/publication/discussion-papers/philippine-education-situationer-challenges-and-ways-forward