Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa epekto ng twin transition (digitalization + green transition) sa hanay ng mga manggagawa.

Ayon sa isang pag-aaral ng LinkedIn (2023), kakailanganin sa twin transition ang mga manggagawang may kakayanan sa mga sumusunod: digital literacy, data analytics, sustainable design, project management, adaptability, communication skills, at green entrepreneurship.

Sa pagsasakatuparan ng twin transition, may pangamba sa seguridad ng trabaho ng mga nasa “nongreen” activities, gaya ng fossil fuel extraction, produksyon ng plastic, at mga industriya na may mataas na greenhouse gas emissions.

Upang masuportahan ang manggagawang Pilipino, kailangang magtulungan ang pamahalaan at pribadong sektor sa paglikha ng mga polisiya at programa na aagapay sa kanila. 

Ngayong Setyembre, ating ipinagdiriwang ang 21st Development Policy Research Month na may temang "Maging Makakalikasan at Digital Para sa Higit na Matatag, Ingklusibo, at Masaganang Kinabukasan Para sa Lahat".

Bisitahin ang https://dprm.pids.gov.ph/ para sa karagdagang impormasyon.

#DPRM2023GreenDigitalPH
#DPRM2023GoGreenAndDigital
#DPRM2023TwinTransitionPHJourney

Main Menu

Secondary Menu