Kumusta, mga ka-PIDS! Narito ang #PIDSFactFriday ngayong linggo, ukol sa demand para sa mga trabahador sa construction sector ng Pilipinas.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority, ang construction sector ang may pinakamataas na bilang ng mga hard-to-fill vacancies. Isa sa mga rason sa likod nito ay ang mababang demand sa trabahong ito dahil sa mababang pagtingin ng karamihan sa mga construction jobs.
Inirerekomenda sa pag-aaral ng PIDS na magkabalikat na tugunan ng construction industry at ng pamahalaan ang mababang pagtingin sa mga construction jobs sa pamamagitan ng mga information campaigns at pagbibigay ng mga training scholarships sa larangang ito.
Basahin ang pag-aaral na pinamagatang “Profile of Training and Skilling Programs in the Philippines” sa link na ito: https://www.pids.gov.ph/publication/discussion-papers/profile-of-training-and-skilling-programs-in-the-philippines