SEC. ROQUE: Magandang tanghali, Pilipinas. Umpisahan po natin ang ating press briefing sa government’s COVID-19 response.
May ilan pong mga nag-react na sinabi kong government’s efforts against COVID-19 is working. Ang kanila pong basehan sa pagsabing hindi gumagana ay ang mahigit sisenta mil na mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas. Hindi nila nakikita po kung hindi dahil sa mabilis at matapang na desisyon ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte ay hindi lang po sisenta mil ang mga kaso ng COVID-19 ngayon sa Pilipinas.
Sa katunayan, ayon po sa UP COVID-19 Task Force Estimates, mayroon na dapat tayo ngayong hanggang mahigit tatlo at kalahating milyong kaso ng COVID-19 kung hindi ipinatupad ang ECQ at MECQ. Sa isa pang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies, isang think-tank na binubuo ng mga karamihan ng UP academics, ang kanilang forecast po ay kung hindi po tayo nag-lockdown, mayroon na tayo dapat 20 million COVID cases kung hindi nga po gumalaw kaagad ang ating gobyerno.
Sana naman sa mga kritiko natin, buksan ninyo ang inyong mata at isipan kung ilang daang libong buhay ang ating naisalba dahil sa aksiyon ng pamahalaan. Bagaman ang mga kaso ay tumataas, ito ay dahil sa ating agresibong testing na mayroon tayo ngayon. Ngunit ang magandang balita naman po ay patuloy naman po ang pagtaas ng recoveries at pagbaba ng mga binawian ng buhay ng dahil sa virus.
Nakikisimpatiya po kami sa mga pamilya at mahal sa buhay ng mga namatayan at alam naman natin na no life lost is one too many. Kaya naman patuloy ang aming ginagawang information campaign sa publiko na magsuot ng mask, maghugas ng kamay at mag-social distancing at dinadagdagan pa po natin ngayon – kung kayo po ay asymptomatic o mayroong mild case at wala kayong sariling kuwarto o wala kayong sariling banyo, magpatuloy na po kayo at manatili po sa ating mga isolation centers.
Wala ring tigil po ang pagtatrabaho ng pamahalaan kasama na ang lahat ng departamento at line agencies ng gobyerno para maipatupad ang health protocols, ma-improve ang ating testing, tracing, isolation at treatment habang unti-unti nating binubuksan ang ekonomiya. Makakaasa kayo na hindi kami magiging lax ‘no, alam namin na ang tumataas na kaso ay hindi lamang dahil sa aming agresibong testing kung hindi na rin sa pagpatuloy na hawahan na nangyayari. Kaya naman hindi po ako magsasawa na manawagan na i-observe ang minimum health standards. Tandaan po: mask, hugas ng kamay at social distancing. Sundin po natin ang mga ito para iwas COVID-19 tayo at again cooperate lang po tayo sa Oplan Kalinga.
Hotel naman po, hotel quality po ang nag-aantay sa ating mga asymptomatic at saka mga mild cases so samantalahin ninyo na po ang libreng aircon, libreng lodging, libreng Wi-Fi at mayroon pang graduation matapos ang 14 days of quarantine.
Now, kasama rin natin po sa paglaban ng COVID-19 ang mga lokal na pamahalaan at pribadong sektor kaya nga linggo-linggo po ngayon ay mayroon tayong panauhin mula po sa kanilang hanay. At dati-rati pa naman ay talaga namang iniimbita natin regularly rin po ang pribadong sektor sa pamamagitan ng Project ARK. Ngayong tanghali, masuwerte po tayo at makakasama natin si Yorme, si Mayor Isko Moreno ng Maynila at si Mayor Boy ng Guiguinto, Bulacan para pag-usapan natin kung anong mga hakbang ang ginagawa ng mga LGUs laban sa COVID-19.
Pero pumunta muna po tayo sa balitang IATF. Inaprubahan po ng IATF ang pagpasok sa Pilipinas ng mga foreign nationals na may long term visas simula a-uno ng Agosto subject sa following conditions: Una, kailangan po may valid at existing visa sa oras ng pagpasok sa Pilipinas. Ang ibig sabihin po nito, hindi po tayo tatanggap ng new entry visa applications. Pangalawa, kailangan po ay pre-booked accredited quarantine facility ang papasok na foreign national. Pangatlo, kailangan mayroong pre-booked COVID-19 testing provider. At panghuli, ito ay subject sa maximum capacity of in-bound passengers at the port and date of entry. Tandaan po natin, prayoridad pa rin po natin ang mga bumabalik na mga Overseas Filipinos.
Ipinagbabawal ng IATF ang spectators sa lahat ng outdoor non-contact sports at exercise sa ilalim ng General Community Quarantine or GCQ. Ipinagbabawal din po ang spectators sa lahat ng indoor and outdoor non-contact sports at exercises sa ilalim ng Modified General Community Quarantine or MGCQ. Ibig sabihin, wala pa po talagang pupuwedeng manood ng mga sports.
Pinahihintulutan naman po ang DTI in consultation with the DOF, DILG at DOT to gradually re-categorize ang mga industriyang nasa Category IV to Category III as may be deemed necessary. Ang muling pagbubukas ng operasyon o paunti-unting pagtaas ng operating capacity at patuloy na operasyon ng Category III industries ay subject sa pagsunod sa tamang health protocols ng Department of Trade and Industry.
At panghuli, pinapayagan ng DTI na maglabas ng negative list of industries na mananatiling bawal sa ilalim ng MGCQ. Ang mga establisyimento na nasa negative list ay hindi pinapayagang mag-operate sa kahit anumang klaseng community quarantine. Ipararating po namin sa inyo kung nabuo na po ng DTI itong negative list na ito.
Pumunta naman po tayo sa ating COVID-19 updates. Mayroon po tayong 43,160 active COVID-19 cases ayon sa latest report ng Department of Health. Sa mga aktibong kaso, 90.1% po ang mild, 9.1% ang asymptomatic, 0.4% ang severe at 0.4% ang kritikal. Mayroon po tayong 22,465 na recoveries, samantalang 1,831 naman po ang sumatotal na nai-report na binawian ng buhay nang dahil sa virus.
Makikita naman po natin sa susunod na infographics ang hospital beds and mechanical ventilators for COVID-19 as of July 18, 2020. Makikita po natin na ang ICU beds natin, mayroon tayong 1,353 total beds at mayroon pa po tayong 712 available. Ang utilization po ng ICU beds ay 52.6%. Sa isolation beds, mayroon pa po tayong 5,486 available kaya nga po marami pa po tayong puwedeng tanggapin sa Oplan Kalinga, dahil mayroon pa tayong—51.6% lamang po ang ating occupancy ‘no. Ang available pala is 51.6%. Sa ward beds po, mayroon po tayong total of 3,572 total beds at mayroon pa po tayong 1,582 or 44.3% na available. At sa mga ventilators, mayroon po tayong 2,137 total units at mayroon pa po tayong available na 1,617 or 75.7% na available.
Higit isang milyong indibidwal na po ang ating naisagawa na tests, PCR test mula 67 licensed RT-PCR laboratories at 22 licensed gene expert laboratories.
Sa ibang mga bagay naman po, dumating sa bansa ang may walumpu’t walong labi ng OFWs mula Saudi Arabia kahapon. Sa 88 na ito po, 57 po sa kanila ay biktima ng COVID-19 na agad pina-cremate. Ang lahat po ng gastos mula repatriation, cremation ng mga labi ng COVID-19 victims, transportation ay binayaran po ng ating pamahalaan. Nakikiramay po kami sa lahat ng kanilang naiwang pamilya.
Pinirmahan po ni Presidente Rodrigo Roa Duterte noong Biyernes, a-diecisiete ng Hulyo ang Republic Act No. 11480 or an act amending Section 3 of Republic Act No. 7797 otherwise known as an act to lengthen the school calendar from 200 days to not more than 220 class days. Sang-ayon po sa Section 3 ng batas na ito na inamyendahan ng bagong batas, ang simula po ng ating pagpasok ay magsisimula ng first Monday of June but not later than the last day of August provided that in the event of a declaration of a state of national emergency or state of calamity, the President upon the recommendation of the Secretary of Education may set a different date for the start of the school year in the country or parts thereof.
Makikita natin sa bagong batas na ito na ang Presidente ng Pilipinas ang magsasabi kung kailan magbubukas ang klase. Ito naman po ay nakabase rin sa rekomendasyon ng Secretary of Education.
Ang tanong: Babaguhin pa ba ni Presidente ang pagbubukas ng klase? Well, malinaw na ang batas na ito ay nakabase sa rekomendasyon ng Secretary of Education at ang pagbubukas po sa ngayon ay sa 24 ng Agosto.
Alam po ninyo, sa paglaban po natin sa COVID-19, importante po talaga na balansehin natin ang kalusugan at ekonomiya. Matapos po kasi ng 100 days of lockdown, kinakailangan na natin talagang buksan ang ating ekonomiya. Kaya nga po ang sinasabi natin, dapat ingatan ang buhay para po magkaroon tayo ng hanapbuhay.
Sa bagong polisiya po o sa second phase ng National Action Plan ng National Task Force, binibigyan po natin nang mas malaking responsibilidad ang lahat, kasama na rin po dito ang mga lokal na pamahalaan, ang mga pribadong sektor at ang mga indibidwal. Ang mga lokal na pamahalaan po ay inaasahan nating sila na po ang magpapatupad ng tinatawag nating localized or granular lockdowns. At sila rin siyempre po ang magpapatupad ng mga ordinansa na nagtataguyod po nung ating wearing of mask, washing of hands and social distancing at iyong implementasyon po ng pagbabawal sa pagtipun-tipon.
So ngayon po, mayroon po tayong dalawang kasamang alkalde – ang alkalde po ng isa sa pinakamalaking siyudad ng ating bansa, ang siyudad ng Maynila; at ang alkalde po ng isang maliit na bayan sa Bulacan, pero pareho po ang kanilang ginagawa, lumalaban po sila sa COVID-19.
So welcome to our press briefing Mayor Yorme, Mayor Isko Moreno, and Mayor Ambrocio “Boy” Cruz.
I’d would like to give the floor first to Mayor Isko. Mayor Isko, paano po natin pinatutupad ang mga bagong responsibilidad at mas mabigat na responsibilidad ng mga lokal na pamahalaan pagdating po sa T3 na tinatawag – testing, tracing and treatment. The floor is yours.
Mukhang hindi tayo naririnig ni Mayor. Mayor Boy, habang hindi natin makontak si Mayor Yorme. Can you hear me?
MAYOR MORENO: Hi.
SEC. ROQUE: Hi, Mayor Yorme. Totoo ang sinasabi nila, magkahawig pala tayo. Anyway, ano po ang initiatives po ng Siyudad ng Maynila pagdating po sa mas pinaigting na treatment, tracing at testing para sa Siyudad ng Maynila?
MAYOR MORENO: Magandang araw sa inyo. Secretary, magandang araw sa inyo.
SEC. ROQUE: Magandang araw, Mayor. Welcome, go ahead, the floor is yours. Mayor, nakikita namin ang slide ng sa Quirino Grandstand po yata ito ‘no. Ano po itong nasa video natin ngayon?
MAYOR MORENO: Secretary, tawag ako ulit, magko-connect ako ulit.
SEC. ROQUE: Mayor Boy, the town mayor po of Guiguinto, maliit na bayan po, pero tingin po ba ninyo iyong pagkaliit ng inyong bayan ay hadlang para labanan itong COVID-19? At ano po iyong mga hakbang na ginawa na ninyo lalung-lalo po doon sa pangangailangan natin doon sa testing laban sa COVID-19? The floor is yours, Mayor.
MAYOR CRUZ: Unang-una, Secretary, gusto kong ibalita iyong katatapos lang ng inagurasyon namin noong Friday ng amin testing center na para po ito sa buong lalawigan ng Bulacan, hindi lamang po sa bayan ng Guiguinto. Ang capacity po nito ay 1,500 test per day, expandable din po kami dito up to 5,000. Pero ito ho iyong best example ng private public partnership kasi po ay nakiusap po kami sa DOH, [garbled] pagkatapos po noong dietary center nila, [garbled] kaya lahat po ng mayor dito po sa buong lalawigan ng Bulacan ay nag-commit na bumili ng 30,000 test at P2,000 kaya po [garbled] P60 million.
Dahil po rito, nakamura po iyong aming magiging testing center dahil pangkaraniwan po ay mas mahigit pa, ang alam ko po ang Red Cross P3,500. Dito po sa amin [garbled] kaya po masaya po ang aming mga kababayan. Kaalinsabay po nito ay ito po ay ipinangalan namin doon po sa yumao naming Mayor si Mayor Joni Villanueva kasi po [garbled] dahil ako po ay pangulo ng mga punong bayan dito sa lalawigan ng Bulacan, ay iyan po ang testing center, kasama po namin si Senator Joel Villanueva noong magkaroon kami ng inagurasyon at ang amin pong mahal na gobernador, Governor Daniel Fernando. So ito po by Wednesday ay full operational na at malaki at malaki po ang maibibigay nito sa aming mga kababayan.
Pangalawa po dito ay iyong isolation center po namin ay maayos na po at ang capacity po nito is 35. Nakahanda po itong tumugon sa pangangailangan ng aming mga kababayan dito sa bayan ng Guiguinto. Hindi po kami tumitigil dito, ang programa po namin dito na mahigpit po naming ipinagbabawal at ang ating kapulisan ay umiikot po araw-araw para po mamalagi na ang aming mga kababayan ay sumusunod doon sa health protocol. Iyan po iyong nakikita po ninyo, ito po iyong aming kabubukas lamang, ito po iyong aming isolation center para sa bayan ng Guiguinto.
So ito po iyong mga intervention na ginagawa po namin dito sa aming bayan, sa bayan ng Guiguinto. At natutuwa naman po ako at ang aming mga kababayan ay full support lalo na po ang aming business sector. Kaya po marami kaming napaglilingkuran at marami kaming programa na naisasagawa hindi lamang po sa bayan ng Guiginto kung hindi sa buong lalawigan ng Bulacan.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mayor. Ito po ay isang perfect example ng bayanihan po dahil nagkapit-bisig ang pribadong sektor at ang iba’t ibang local government units sa Bulacan para magtayo ng kanilang PCR laboratory na naniningil lamang ng P2,000 per head. Mula po sa maliit na bayan ng Guiguinto, puntahan naman po natin ang isa sa pinakamalaking siyudad ng Pilipinas, ang Siyudad ng Maynila. Mayor Yorme, good morning. Kanina po hindi tayo nagkakarinigan. Okay na po tayo ngayon.
MAYOR MORENO: Hi, Secretary. Magandang araw sa inyo. At sa mga kasamahan nating media diyan sa inyong regular update at sa ating mga manunood, magandang araw po, at kay Mayor Boy Cruz ng Guiguinto, Bulacan.
SEC. ROQUE: Mayor, ngayong magbubukas tayo ng ekonomiya, paano po natin iingatan ang buhay para magkaroon ng hanapbuhay ang mga taga-Maynila? Paano po natin pinaigting ang ating testing, tracing at treatment sa Siyudad ng Maynila?
MAYOR MORENO: Well, ang Maynila po ay isa sa sentro ng komersyo, at isa po talaga ang challenge namin ay iyong bagsakan ng mga produkto ay nasa Maynila, domestic and international. Nanggagaling iyong ibang goods sa iba’t ibang mundo, sa Maynila po bumabagsak kaya napakalaking hamon po talaga sa amin sa Maynila. At the same time, we really wanted to operate and we are trying to be a good neighbor to our neighboring cities in Metro.
Recently, as you all know, about two months ago, we have been building a lot of quarantine facilities. In the City of Manila, we have about 12 quarantine facilities and with 545 bed capacity na quarantine facility. At mayroon kaming dalawang kakaibang quarantine facility: Mayroon kaming mga buntis, quarantine facility sa buntis na may infection; mayroon din kaming quarantine facilities sa mga nagda-dialysis na naimpeksyon din ng COVID-19. Tapos mayroon naman kaming 171 COVID-19 bed capacity in our hospital.
In line with the testing, the City of Manila conducted 17, 000 tests already. 17,400 tests already, iyong gold standard na ipinatutupad ng DOH, iyong swabbing. And we are very grateful to the President and to the DOH because out of 22 gene expert in the country, ang Maynila ay isa sa mga benepisyaryo ng PCR lab, that’s why we got it for free, we give give it for free also. Kami na lang sa Maynila ang nagsho-shoulder noong tinawag na miscellaneous.
On the other hand, we continue to utilize iyong mga nauunang RTK or iyong rapid testing kit, iyong nakikita na natin na maliit na kit na ganiyan. Mayroon tayong 170,000 na na-test na sa Lungsod ng Maynila.
And recently, Secretary, ang Lungsod ng Maynila ay bumili ng bagong makina, ito ho iyong tinatawag na i1000SR ng Abbott. Alam naman natin na ang Abbott ay kilala sa buong mundo na gumagawa ng mga makinang pang-ospital at itong makinang ito ay nagagamit ngayon pang-test sa IgG for now, with 99.6 specificity and 100% sensitivity. So virtually, Secretary, nawawala at nabubura na iyong false positive and false negative.
And naturally as we progress, it’s going to be an IgM machine and in a week or two kung may awa ang Diyos, darating na itong antigen from Germany, it can now be used as PCR. Virtually talaga pareho na siya ng PCR.
Now, having said that, nakita namin na why not share it to others because this is a universal problem and we cannot just take care of ourselves and leave our neighbors behind, so sabi ko, hanggat mayroon tayong kakayanan, although hikahos kami, pero hanggat mayroon tayong puwedeng i-share, i-share natin with our neighbors.
That’s why we came up with an idea, iyong drive thru testing sa Lawton, that was last Wednesday. At nakita namin na talagang maraming mamamayan natin who wanted to have that kind of peace of mind. So, nagkaroon ng overwhelming demand and it created another problem, nagkaroon ng traffic sa Lawton.
So, I made a commitment to the public that in 48 hours after that Thursday, we will build another site and thank you sa national government again through Director Cecille Romero, nagamit namin iyong Independence Road sa tapat ng Quirino Grandstand, and this can accommodate more Metro Manilans or Manilans and non-Manilans.
At mas marami ito, Secretary. In Lawton, we can accommodate two hundred per day, 8 to 5 P.M. every day and seven hundred in Quirino Grandstand at iyan po ay hanggat kaya namin, hanggat may supply kami ay ibibigay po namin nang libre para lang sa kapanatagan ng lahat ng tao. Now, may awa ang Diyos, makabili pa kami ng isang machine, tataas pa ang load capacity namin para mas marami kaming mayakap.
Now, this morning, para naman sa ating mga walk-in, so, kung may drive thru tayo, inilunsad na natin iyong walk-in adjacent to the hospital kasi maraming pangamba ang mga tao na alam naman natin na may COVID sa ospital at may mga pasyente tayo doon, so we made a walk-in testing just adjacent to the hospital para hindi na sila kailangang pumasok at kabahan. So, any Manileños can just walk-in to the testing site at within 24 hours malalaman po nila ang resulta.
Ngayon, pagdating naman sa resulta, 24 hours, iyong mga Manilans, ide-deliver namin sa bahay nila iyong certificate of result signed by our Manila Health Department Director Poks Pangan. Iyong non-Manilans naman kung magagamit nila — dahil pinag-uusapan natin ekonomiya, para sa pagtatrabaho nila – magamit nila iyong certification na ito, makukuha naman nila sa Grandstand, sa Independence Road diyan po sa may Luneta. Mayroon pong dedicated lane sa kanila, dadaaan lang sila at pi-pick-up-in lang nila iyong official result.
Now, para naman sa kapanatagan ulit ng ating mga kababayan, umasa kayo na existing laws will be implemented with regard to your privacy. Iyong para hindi kabahan ang utaw na baka mamaya, eh, kasi kaya nga gusto nating mag-volunteer sila, they feel something medyo iyong symptoms ay nararamdaman nila or they were exposed or sa trabaho or wala lang, peace of mind lang. So, we wanted to encourage everybody as much as possible to be tested.
Now, in tracing activities naman, ang Maynila ay may 63 groups na tracing groups, surveillance group. Ngayon, in-innovate namin iyong tracing approach in line with—humingi kami ng tulong kay Gen. Miranda na turuan iyong aming mga … dagdagan ang kaalaman ng aming mga medical professional or BHW on how to properly trace further, base sa kanilang karanasan sa pag-iimbestiga ng isang sitwasyon para mas mapabuti namin ang aming tracing ability.
So, kung quarantine, mayroon tayo; COVID facility, mayroon tayo; PCR lab, mayroon tayo; mass testing, mayroon tayo; mayroon tayong virtually the same PCR lab testing, mayroon tayo; and tracing, mayroon tayo. So, we’re just trying to do our best.
This is a very challenging city with about 2.4 million nighttime population from 1.8. Kasi nalaman namin iyan, Secretary—dati kasi we have a 2005 PSA data, about 1.8 million ang mga taga-Maynila but during the delivery of ayudas at that time, we came up with 680,000 families. If we are going to multiply it based on PSA data, about four to five every members of the family, lalanding kami sa 2.4 and we are about 3 million daytime kasi naman dito talaga pupunta ang mga tao, dadaan, magtatrabaho, maghahanapbuhay.
So, we’re trying to cope up with the challenges but with that exposure, as of now, we have about accumulative ‘no… So, Secretary, we have about 3,865 accumulative-positive po iyan since day one. Ngayon po, ang active cases natin as of July 19, 1,409 and we have 2,262 na naka-recover na. Kasi, Mr. Secretary, kung maaalala po ninyo, on the opening of these challenges, ang Maynila po, nagtatag po ng sarili niyang MIDCC, iyong Manila Infectious Disease Control Center sa Sta. Ana Hospital wherein we converted our rooms into a COVID center, immediately about first week of March, para ma-accommodate na. Started with four bed capacity, three days thereafter it became fourteen; it became 33; now, it’s 60 bed capacity.
At so far, nalulungkot po tayo at nakikiramay sa mga naulila, mayroon na po tayong 194 na mga kababayan nating taga-lungsod na sumakabilang buhay. Bagamat natutuwa po tayo na mataas po ang ating recovery rate, but as we all know, this is dreadful virus/disease, na talagang maaaring kumitil ng buhay ng ating mga kababayan kaya kailangan talagang mag-ingat.
So, ngayon naman, ang update natin sa ating drive thru, mayroon tayo as of Saturday, Mr. Secretary, na 1,576 na na-test; 528 non-Manilans and we have 1,048 na Manilans. At … well, buti naman naagapan natin, maimpormahan iyong 174 out of 1,576 na nagpositibo. Ano na po ito, halo-halo na po ito, Secretary – Metro Manila and neighboring provinces na nagpunta rito and some of these are Manilans also.
At ang maganda rito, Mr. Secretary, this is an IgG, so ibig sabihin, kapag sila po ay nagpositibo, huwag ho silang masyadong kakabahan ano, kailangan nilang kumunsulta kaagad sa mga medical professionals. In our case, they can go to our Facebook page ng aming mga ospital, particularly Ospital ng Maynila.
Bakit po mahalaga magkonsulta kayo sa inyong family doctor? Kapag kayo ay nag-IgG, ibig hong sabihin, mayroon na po kayong antibodies. Ang aalamin na lang natin sa ating mga doktor na nag-test is gaano karami ang antibodies mo sa katawan. Kasi ibig sabihin, nagka-virus ka na at maaaring gumaling ka na at hindi ka na nakakahawa – that’s possible dahil mataas ang antibodies or mababa ang antibodies mo, you really need to take care of yourself. But either way, whether you’re mababa ang antibodies, mataas ang antibodies mo or hindi ka pa nai-infect, still, I would continue to follow iyong panawagan ng DOH – you always practice physical distancing, wash your hands and wear masks sa araw-araw na pamumuhay natin. Now, these are simple protocols that are applicable and can be done by anybody.
SEC. ROQUE: Maraming salamat, Mayor. Mamaya po, Yorme at saka Mayor Cruz, ang tanong ko sa inyo, paano ninyo po ipatutupad ang Oplan Kalinga pero mamaya ninyo na po sagutin iyan dahil napakadaming tanong po galing sa Malacañang Press Corps. Una munang tanong kay Joyce Balancio po ng DZMM.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Sir, on RA 11480 po, doon sa opening statement ninyo kanina, are you saying, sir, na hindi option para kay Pangulong Duterte na gamitin niya itong authority niya under the new law to order the adjustment of opening of classes? And also on the other side, sir, iyong pagpirma mismo ni Pangulong Duterte dito sa batas na ito, does this mean he believes we probably need more time at baka hindi pa handa ang DepEd sa ating opening of classes sa August 24?
SEC. ROQUE: Well, sagutin ko muna iyong pangalawang tanong, siguro nagbibigay lang ito ng flexibility kung kailan talaga mabubuksan ang klase. Pero sa ngayon po, sang-ayon naman sa batas, upon recommendation of the Secretary of Education, ang President po ang magdideklara kung imu-move ang opening of classes.
So ang sabi ko lang naman po kanina, ang desisyon po ngayon ay August 24. Unless magkakaroon po ng bagong rekumendasyon ang ating Secretary of Education, baka hindi po mabago iyong school opening. Pero this certainly gives flexibility to both the … to the Executive Department kung sa tingin nila mas kinakailangan pa nang mas mahabang panahon bago tayo bumalik sa eskuwelahan.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Okay po, noted. Secretary, maugong na naman po ngayon iyong usapin on Charter Change. I believe iyong League of Municipalities of the Philippines launched a signature campaign pushing for Charter Change. At sabi nga po ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate, he accused the President as the one behind this push dahil daw po itong Charter Change could include extended term limits.
First, sir, what is your reaction to the accusation [signal cut]
SEC. ROQUE: Nawala ka ‘no.
JOYCE BALANCIO/DZMM: … Zarate. And second, do you believe it should be a priority right now given na we have a lot to address in this pandemic?
SEC. ROQUE: Alam ninyo po, linggo-linggo ay nakikipag-usap naman po ang Pangulo sa ating taumbayan at hindi po lumulutang ang Charter Change bilang isang prayoridad. Although, I’m personally sympathetic po to the League kasi iyan po iyong desisyon ng Mandanas vs. Executive Secretary kung saan isa tayo doon sa mga abogadong tumulong. Pero tingin ko, maiintindihan naman ng mga mayor na bagama’t tama iyong kanilang advocacy na palawakin ang IRA ng mga lokal na pamahalaan para mas mabilis din makabigay ng serbisyo sa kanilang mga kababayan, ang totoo po ay nakatutok po ngayon ang Presidente, ang buong national government sa pamamagitan ng IATF dito po sa problema ng COVID-19. So hindi po prayoridad ang Charter Change.
JOYCE BALANCIO/DZMM: Opo. Secretary, do you confirm, itinalaga daw po ni Pangulong Duterte as commissioners ng Energy Regulatory Commission si ERC Spokesperson Attorney Rexie Baldo-Digal at si Marko Romeo Lizada Fuentes? May idea po tayo ng ganito, sir?
SEC. ROQUE: Well, nagsimula po tayo 12 P.M., as of 12 P.M., hindi ko pa po nakikita ang appointment papers. Sa amin naman po unang-unang niri-release iyan. So as soon as we get any paper from the Office of the Executive Secretary, we publish it as soon as possible. For now po, wala pa akong nakikitang appointment papers.
Okay. Thank you, Joyce. We go to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Good afternoon, Secretary Roque. From Abel de Leon ng Manila Bulletin: Is online cockfighting allowed? We heard businessman Atong Ang is reportedly doing it without an audience. Other tupada owners are asking if they can also do online cockfighting and who will they approach about this?
SEC. ROQUE: Well, kinakailangang ipagbigay-alam po iyan sa IATF. Ang naalala ko po sa IATF, diniskas na po ang sabong, hindi pa po pinapayagan. Ang naging posisyon po ng DILG, kung hindi ako nagkakamali, at base rin po sa minutes ay sabi nila kung walang audience at MGCQ, baka pupuwede. Pero kinakailangan muna pong aprubahan iyan ng IATF. So iyong mga proponents po ng walang audience na sabong online, sumulat po kayo sa IATF.
USEC. IGNACIO: Question from Genalyn Kabiling ng Manila Bulletin: Does the Palace support the warrantless arrest of quarantine violators currently enforced by the Quezon City government? Is this a legal move and can this be emulated by other LGUs?
SEC. ROQUE: Mayroon po kasing ordinansa na pinatutupad ang mga lokal na pamahalaan ‘no; at nasa rules of court naman po na kapag ang law enforcer ay mayroong personal knowledge, nakikita niya iyong paglabag sa ordinansa, may kapangyarihan naman po sila mag-resort to warrantless arrest.
USEC. IGNACIO: Iyong third question po ni Genalyn Kabiling ay naitanong na po ni Joyce Balancio about pursuing constitutional reforms, about IRA, Secretary.
SEC. ROQUE: Thank you, Usec. Punta tayo kay Trish Terada of CNN, please.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Hi! Good afternoon, Secretary. Sir, follow up lang doon kay Joyce na question, although it was somehow answered already. Vice President Robredo issued a statement or reacted over the weekend, iyon nga po na sana daw mag-focus tayo ngayon sa pandemic rather than Cha-Cha. This was her reaction over the fresh calls of LGU officials for constitutional amendment despite the prevailing crisis. Sir, tama naman po iyong pagkaintindi namin: Do you share the same thoughts with the Vice President?
SEC. ROQUE: That has been the position of the President, sa kaniyang ulat sa bayan at sa kaniyang talumpati sa ating bayan, palagi pong COVID-19 ang kaniyang binibigyan ng prayoridad.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, doon naman po sa updated IATF guidelines. What prompted the IATF to open our doors again to foreign nationals? Although, I understand, these are the ones who already have existing visas. And there was already a report saying that we’re expecting about 15,000 foreigners to arrive. Are we ready for this, sir?
SEC. ROQUE: Hindi po lahat ng visa holders ‘no. Ito po ay long-term visa holders. Sino ba ho ito? Iyong mga permanent residence po ng Pilipinas. Iyong mayroon po tayong mga tinatawag na special investors visa, mayroon po tayong tinatawag na retirees visa, mayroon po tayong tinatawag na long-term work visa na binibigay sa mga dayuhan. Ito po ay naninirahan na sa Pilipinas ‘no.
So ang rationale po diyan ay siyempre, a-allow na nating umuwi iyong mga dayuhan na naninirahan na sa Pilipinas at kinukonsiderang pamamahay na nila ang Pilipinas.
Pangalawa po, lahat naman po ng mga dayuhan, lahat din ng mga Pilipino, lahat po sila ay subject sa quarantine protocol, kinakailangan mag-quarantine muna po habang hindi lumalabas iyong resulta ng PCR test.
At pangatlo, prayoridad nga po ang mga Pilipinong umuuwi, so nililimita rin po natin iyong mga numero ng pumapasok kada araw.
TRICIAH TERADA/CNN PHILS: Secretary, last question naman po. Doon po sa napaulat na namatay po na inmate na si Jayvee Sebastian, is the Palace interested in launching a probe to rule out, sir, iyong issue or parang takot ng mga tao that there was a foul play?
SEC. ROQUE: Well, nagsimula na po ng imbestigasyon ang Secretary of Justice, pinauubaya na po ng Palasyo kay Secretary Meynard Guevarra ang imbestigasyon na ito.
Thank you, Trish. Back to Usec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: From Kris Jose of Remate/Remate Online, para daw po ito kay Mayor Isko Moreno. Patuloy daw po na tinatangkilik ng marami iyong drive-thru COVID-19 testing clinic sa Manila City Hall. Pero may mga Manileño na walang masakyan at gusto pong sumailalim sa free rapid test. Ano daw po ang maaari nilang gawin, Mayor?
MAYOR MORENO: Thank you for asking ‘no. This morning, 8 A.M., we already launched our walk-in. While it is true that we accept walk-in in our hospital, we came up with an idea further on mailayo namin sila sa exposure, although it’s not a guarantee na hindi sila mae-expose. But instead of doing it inside the hospital, we created like a drive-thru concept adjacent to the hospital.
Kanina po sa Ospital ng Sampaloc nai-ano na po iyan, nai-launch. I think magkakaroon na rin sa iba naming ospital in a matter of few days, these are for our walk-ins. Kasi iyong binigay natin sa drive-thru is 700 and 200 and we still have a few hundreds for everybody here in Manila within the community and those people who are inside our facilities already because they are tested positive.
So from time to time, magagamit din natin iyong makina natin to continue to test them inside the hospitals. So both, those patients and those who are doesn’t have that kind of confidence na baka mayroon na sila, so they can just walk in Ospital ng Sampaloc and magkakaroon din ang Gat at magkakaroon din po ang Justice Jose Abad Santos, magkakaroon din po ang Ospital ng Maynila at ang Ospital ng Tondo.
So most likely, as we progress, kapag nakita na natin iyong time in motion katulad ng nangyari sa Lawton after 2 days nagkaroon tayo ng data then we developed it and we made it bigger and better and convenient for everyone. So we’re going to do that, we’re gonna continue developing our capacity and even, may awa ang Diyos, iyong load capacity natin lumakas pa.
USEC. IGNACIO: Opo. Mayor, ang second question niya: Ano raw po ang reaksiyon ninyo na may mga senador ang pahayag na ibalik sa ECQ ang Metro Manila para raw po mapababa ang kaso ng COVID-19?
MAYOR MORENO: Well, we always follow the decision of IATF ‘no. Kami, ang Metro Manila mayors are regularly nagmi-meeting. In fact as we speak, there is an ongoing meeting ‘no with all other LGUs in the country with Secretary Año and other secretaries and Secretary Duque of DOH. So regularly we send data, concerns and issues and actions being taken by Metro Manila mayors, so hinahayaan namin kung ano ang tingin ng IATF as a whole kung saan mailalagay ang Metro Manila because we really have to attack this universally.
We cannot just—alam mo iyong—we really wanted to have a united action in fighting COVID-19. Because ang aming mga boundaries ay spit-away like you know in Metro Manila. So kung ang tingin ng IATF mailagay kami sa ECQ o MECQ, well, we will agree with that. Kung sa tingin naman nila mukha namang tolerable pa iyong paglago ng numero at sa tingin naman nila based on data submitted to them with regard to our capacity as every local government unit in Metro Manila doon sa aming mga medical facility, then tingin ko sila ang talagang nakakakita ng buong picture ng Metro Manila.
Now in the case of Manila, so far yes, mayroon kaming COVID-19, delikado po sa Maynila ha, mag-iingat po kayo. But dahil sa maliit naming kaparaanan sa paghahanda like quarantine facilities; as you all know, we’ve been building a lot of quarantine facilities even at the time na mababa pa iyong aming exposure. Ngayon dumami, at least kahit papaano hindi pa rin nama-maximize iyong aming quarantine facilities. Now—pero pagdating sa ospital, mayroon na kaming halos nasa level of, iyong mapuno ang lahat ng ospital namin. So kaya kung bakit mas nagbi-buildup pa kami ng maraming ways to really contain the numbers and improve our numbers at saka iyong mapababa iyong exposure sa community.
USEC. IGNACIO: Opo. Salamat, Mayor. Iyong pangatlong tanong po niya ay nasagot ninyo na po kanina sa pamamagitan ng inyong presentation. Secretary Roque?
SEC. ROQUE: Bago ko tawagin si Melo… Mayor Cruz, diyan po sa Guiguinto, paano ninyo po ipapatupad ang Oplan Kalinga dahil ang mga kalaban po, ang mga kritiko ni Presidente sinasabi eh balik daw ang martial law at itotokhang daw ang mga mayroong mild at asymptomatic? Kayo po, paano ninyo po ipapatupad iyong pagdadala ng mga mild and asymptomatic na walang isolation facilities sa kanilang mga bahay sa inyong mga isolation centers?
MAYOR CRUZ: Nakahanda po ang aming bayan. Unang-una po, mayroon na po kaming quarantine facilities, ang capacity po nito is actually kuwarenta. Dalawa po iyong lugar namin, isang 25 at saka isang 15. So kasalukuyan in close coordination sa aming mga healthworkers, itong mga BHW namin at kapitan, kasama po iyan na umiikot at closely mino-monitor po namin kung sakali na magkaroon po ng positive, nakahanda po ang bayan ng Guiguinto para tugunan ang pangangailangan ng aming, kung sakali po, nitong mga positive po na ito.
SEC. ROQUE: Sino po ang susundo sa kanila?
MAYOR CRUZ: Ang susundo po ang barangay po kasama po ang aming mga health worker. Actually close monitoring po kami rito eh. Actually ang monitoring po namin, kahit na po wala po iyong order na ito, eh halos by purok ho; lahat ho ng purok may naka-assign po na barangay health worker, kasama po rito iyong aming tanod, kasama po iyong aming kapitan. So close monitoring po ang lahat ng aming mga kapitan dito kaya ho mabilis pati ang contact tracing po namin, within 30 minutes mayroon po kaming contact tracing na nagagawa at namo-monitor po lahat ito.
SEC. ROQUE: Salamat po sa paglilinaw. Next question si Melo Acuña, Asia Daily Pacific.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Magandang hapon, Secretary. Umabot na po sa animnaraan at tatlumpu’t apat na Pilipino ang namatay dahilan sa COVID-19 sa iba’t ibang bansa. Naiuwi na ang labi ng walumpu’t walo kahapon. Magkakaroon po ba ng pagbabago sa alituntunin ng ating pamahalaan tungkol sa paglabas ng ating mga kababayan patungo sa iba’t ibang bansa upang maghanapbuhay?
SEC. ROQUE: Well, in fact, pinapayagan po natin ang mga Pilipinong lumabas para sa hanapbuhay pati nga po iyong mga non-essential pinayagan na natin pero may mga requirements po. Kasama diyan iyong insurance, health insurance at saka iyong undertaking na alam niya ang dangers na hinaharap niya kung pupunta siya sa lugar na mas marami pang COVID cases ‘no. So hindi naman po natin binabawalan ang mga nais magtrabaho sa ibang bayan, ang samantalang sakop po ng pagbabawal ay iyong mga health workers lang po.
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Ah, okay. Isang bagay pa po, mayroon po bang standard operating procedures ang pamahalaan para sa mga piitan saklaw ng BJMP, [garbled] at ng Bureau of Correction?
SEC. ROQUE: Well, mayroon pong tinayong mga isolation facilities ‘no hindi lang ho sa mga lokal na kulungan kung hindi sa Muntinlupa at binigyan pa nga ito ng tulong ng ilang mga dayuhan ‘no at saka ng mga organisasyon kagaya po ng ICRC. So mayroon po tayong protocol na nakahanda diyan at kaya nga po pinaiimbestigahan ni Secretary Guevarra iyong nangyari dito sa mga high profile na mga detainees na dapat sana ay magtestigo doon sa kaso ni Senadora Leila De Lima. Okay?
MELO ACUÑA/ASIA DAILY PACIFIC: Opo. May pahabol po akong isa. Nabanggit po ni Undersecretary Diño na mas makabubuti raw na ibunyag na kung sino iyong mga may COVID-19, magkaroon ng shame campaign. Eh baka po malabag naman iyong tungkol sa privacy law natin?
SEC. ROQUE: Well, tama po kayo, malalabag po tayo sa privacy law na isang batas ‘no. Pero sang-ayon naman po kay Usec. Malaya, hindi po iyan ang polisiya ng DILG. Rerespetuhin pa rin natin ang privacy ng mga magkakasakit bagama’t kinakailangan i-report sa DOH iyong mga nagkakasakit pero hindi naman po para isapubliko ang kanilang mga pangalan.
Okay? Thank you, Melo. Balik tayo kay Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Francis Wakefield of Daily Tribune: Reaksiyon sa pagkamatay ng ilang convict sa Bilibid. Hindi daw po ba nabahala ang Palasyo at kung paiimbestigahan daw po ito ng Palasyo?
SEC. ROQUE: Iniimbestigahan na po ni Secretary Meynard Guevarra. Next question, please.
USEC. IGNACIO: A number of senators backed return of ECQ in Metro Manila para mapababa ang COVID cases. Ikukonsidera daw po ba ito ng IATF at ng Palace?
SEC. ROQUE: Noong huling pagpupulong po ng ilang miyembro ng IATF kay Presidente, ang naging rekomendasyon po ng UP ay MECQ, hindi naman po ECQ. Pero tinitingnan po natin kung ano ang mangyayari sa susunod na dalawang linggo; at ang dahilan kung bakit naman iniimbita natin ang mga mayor ng Metro Manila ngayon dito sa ating press briefing ay para ipakita iyong mga hakbang na ginagawa nila kasama na po iyong localized lockdowns, iyong pagsisimula ng mga isolations facilities at iyong testing na pinapaigting ng mga lokal na pamahalaan.
USEC. IGNACIO: Reaksyon daw po sa sinabi ni Vice Presidente Leni Robredo na instead of reconsidering charter reforms the government should prioritize more urgent issues associated with the pandemic?
SEC. ROQUE: Nasagot ko na po iyan, hindi po talaga prayoridad ngayon iyan. Thank you, Usec. Punta tayo kay Maricel Halili, please.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, mayroon na po ba tayong desisyon kung ano po iyong plano para sa State of Nation Address ng Pangulong Duterte on the 27th? Will the President personally go to Congress for the SONA or will he do it in Malago for a virtual address? At saka ano na po iyong ginagawang preparation ngayon ni Presidente? Ginagawa pa rin po ba iyong usual rehearsal with the Cabinet secretaries?
SEC. ROQUE: I can confirm for the time that the President will be physically present in Batasan pagdating po ng SONA sa 27 ng buwan na ito; at naka-schedule po ang rehearsal at patuloy po ang preparasyon.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, how will you choose or kung sino lamang po iyong allowed na pumasok po doon sa Congress? Ganoon pa rin po ba limited sa 50 iyong papayagan na makapasok? And ano po iyong advice ng Malacañang doon sa usual protest na ginagawa tuwing SONA?
SEC. ROQUE: I can confirm po na sa panig po ng mga mambabatas, 50 lang po ang suma total. Hindi ko po alam kung makakasama ang ilang mga miyembro ng Gabinete. Sana po ilan sa amin eh makasama.
Ang advice sa mga protesters, well, sila rin naman po iyong pumupula sa gobyerno; sila iyong nagsasabi na hindi daw gumagawa ng sapat na pamamaraan para mapabagal ang pagkalat ng sakit. Pero tingin ko malinaw, kasing linaw ng sinag ng araw na ang pagtitipun-tipon po ay magreresulta sa mas mabilis na pagkalat ng sakit na ito; puwede naman pong magprotesta rin online.
So sana po magsilbing halimbawa sa lahat, iwasan po muna natin ang pagtipun-tipon, mababalewala po iyong araw-araw nating sinasabi na social distancing kung makikita naman na doon mismo sa SONA at nakatutok ang lahat ng media doon sa SONA ay madami ang nagtitipun-tipon. Para po sa ating mga sarili, para sa ating mga anak, online protest po kung pupuwede.
MARICEL HALILI/TV5: Sir, paghuli na lamang po. Follow up lamang po doon sa question kanina ni Sir Melo about sa shame campaign na proposal ni Usec. Diño. I think his suggestion should be focused daw on the pasaway, doon sa mga sumusuway doon sa quarantine protocols na dapat daw ay iyon iyong makabilang doon sa shame campaign. Are you in favor of this, sir?
SEC. ROQUE: Well, iniiwan na po natin iyan sa mga lokal na pamahalaan. Dahil ang ninanais natin ay magkaroon ng isang common ordinance lalung-lalo na dito sa Metro Manila dahil mayroon tayong dalawang linggo para gawin ang lahat na mapababa po ang pagkalat ng kaso.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Rose Novenario of Hataw. Ang tanong po niya ay para kay Mayor Isko Moreno: Ano daw po ang polisiya ng LGU ngayong pandemic tungkol sa traffic na naidudulot ng mga sasakyang naka-double park sa maliliit na daan sa iba’t ibang lugar ng Maynila?
SEC. ROQUE: And question is: Ano ba ang gagawin para sa mga naka-double park sa Siyudad ng Maynila?
MAYOR MORENO: Opo, araw-araw po nagka-clamping tayo; araw-araw nagki-clearing tayo. Whatever initiative that we started since July 1, 2019 is being implemented even in ECQ, MECQ, GCQ, and we will continue to implement hanggang sa ang ating mga kababayan ay masanay na sa tamang gawain. You know, we are trying to cure iyong mga nakaugalian na. Pero tingin ko with consistency and persistency, one way or another ang ating mga kababayan ay matututo rin na gumamit ng tamang pagpaparada. While it is true that we allow, tolerate some areas for parking within the street, because it is tolerable, in terms of pag-aaral at saka tulong sa mga negosyante.
But there are streets in Manila that are non-negotiable and we will continue to clear those areas no matter what is the category of the City of Manila with regard to this pandemic.
USEC. IGNACIO: Mayor, ang second question po ni Rose Novenario: Ano daw po ang secret ng efficient governance ng Maynila na puwede mong ibahagi sa national government?
MAYOR MORENO: Ano po iyon?
USEC. IGNACIO: Ano daw po iyong secret ng efficient governance sa Maynila na puwede mong ibahagi sa national government?
MAYOR MORENO: Wala po, we are just trying to do our job. I don’t know, this is a normal thing for any local government unit na every mayor or governor or local chief executive must be efficient and mainam, masinop. Ano lang po, trabaho lang. Hindi ko maano, kasi hindi ko po masagot kung maganda ba ang epekto na agad noong aming mga ginagawa. I am happy and grateful to you if you appreciate it. But what we are trying to do is a normal thing in running a local government unit.
In fact, napabuti nga kami kahit na nagkaroon ng pandemya, hindi kami masyadong naapektuhan, pero alam ko maapektuhan din kami on the third quarter and fourth quarter ‘no. But for now, naka-survive kami and we continue to survive economically speaking but our businessmen are affected gravely. So, that is why we are always in favor of iyong pagluluwag, pero may kaunting disiplina at mayroon kaunting paghihigpit at mas malawak na approach or bigger approach in fighting COVID-19.
Now, I don’t know, I am just—hindi ko po masagot iyan nang diretso kasi we are just starting to … this is just one year of introducing new things. But these new things are the normal things, kung ano iyong tamang pagpapatakbo at masinop na pamamaraan at episyente. Someday kapag nagkaroon kami ng magandang resulta, we will be happy to share it to you. But for now, we are really trying to just to excel from our field of undertaking. And I’m grateful to our fellow workers in the city, our Vice Mayor, my Vice Mayor is very cooperative. You know, I cannot approach this COVID-19 without my Vice Mayor, who is also a doctor. Vice Mayor Honey Lacuna, the members of the council and the department heads. I think—if I may share, ito na lang siguro masi-share ko, siguro iyong kooperasyon ng mga empleyado ng City Hall, iyan tingin ko dahil siguro nabuhay ang loob nila uli, tumaas ang dignidad sa paglilingkod sa bayan, nagkaroon sila ng bagong mindset. That thing at least that I can share with you, especially with our doctors nowadays, ang tatapang ng mga batang Andres Bonifacio, iyong mga doctor and nurses ng medical workers namin. I am happy to have them in facing these challenges.
SEC. ROQUE: Thank you. Joseph Morong of GMA.
JOSEPH MORONG/GMA7: Let’s take off from Manila. Sir, iyon pong sa Manila iyong ginagawa nila is free na testing and PCR iyon, hindi ba natin kayang gawin iyon sa national, sir?
SEC. ROQUE: Sa akin bang tanong iyon?
JOSEPH MORONG/GMA7: Opo, sir.
SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo, kaya naman nagawa ni Mayor sa Manila na libre kasi dinonate po ng national government iyong machine sa Manila kaya hindi na niya pinagtubuan kumbaga. Marami pong na-donate talagang PCR machines ang national government. Ang panawagan po namin sa mga recipients: Sana po gayahin ninyo ang ginawa ng Siyudad ng Maynila, ibigay ng libre hindi lang sa inyong mga constituents kung hindi sa lahat ng mga Pilipino.
JOSEPH MORONG/GMA7: Sir, sa SONA, nag-yes na si Presidente diyan because, I understand, dalawa pa rin iyong … as of last week, dalawa iyong plano: Nag-prepare kayo ng virtual and then isang physical. Has the President said ‘yes’ to the physical SONA? And if he had said yes, ano, sir, iyong mga key messages that the President will talk about in the SONA? And just an elaboration on Maricel’s point, are we discouraging, officially, are we telling the police to prohibit rallies during the SONA?
SEC. ROQUE: He has confirmed that he will attend unless there are supervening events. By theme, well, I think it would be obvious that he would be talking about COVID-19; impact on the country and steps taken to deal with COVD-19 at saka kung paano tayo makakabangon sa aberya at sigalot na nagresulta dahil sa COVID.
Ako naman po ay inuulit ko lang, kung ano po iyong nasa ordinansa ng Quezon City at saka kung ano iyong guidelines na inisyu ng IATF sa lugar po na covered by GCQ, hanggang sampu lang po ang mass gathering at ito naman po ay para sa kalusugan ng lahat, sa kalusugan ng gustong mag-rally, sa kalusugan ng kanilang mga kapitbahay, sa kalusugan ng kanilang kaanak.
So, pinapaalala po natin na mayroon pong ordinansa at may katungkulan din po ang kapulisan na ipatupad itong mga ordinansang ito.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. Sir, iyon lang sa MVP, alam na po ba ito ni Presidente and sino-sino ba sir iyong mga high profile drug lords na namatay due to COVID?
SEC. ROQUE: Hindi ko po kabisado kung sino sila. Ang alam ko lang iyong Sebastian dahil tinext mo ako, ang tanong ko pa nga sa iyo, “Sino siya?” Pero anyway, nabalita naman po ito sa pahayagan, at ang Presidente naman po binabasa ang lahat ng pahayagan from cover to cover.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay. So, sir, hindi tayo nag-aalala na parang sabay-sabay yata sila?
SEC. ROQUE: Well, kaya nga po nag-iimbestiga si Sec. Meynard. Sigurado po ako kung may suspetsang foul play po, si Sec. Meynard eh gagawin niyang full blown investigation ito. Okay.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Sir, last one na lang. Sir, last. Sa Cebu, sir, mukhang nagwo-worry na doon iyong mga LSI natin. They have message sa Facebook na, number one, gusto nilang umuwi kasi wala na silang pera; and number two, wala yata silang ayuda, sir, na natatanggap while they’re staying there. Is it possible to have them tested para makaalis na at makaluwag-luwag iyong Cebu because this is also a burden? I mean, kung iyong pagpo-provide ng social amelioration.
SEC. ROQUE: Kapag naman po na-finalize na iyong protocol natin, bagong protocols sa LSIs, it will be applicable to all LSIs kahit nasaan sila. Okay? Thank you, Joseph.
JOSEPH MORONG/GMA 7: Okay, sir. Thank you.
SEC. ROQUE: Back to Usec. Rocky.
USEC. IGNACIO: Secretary, iyong tanong ni Kris Jose ng Remate, nasagot ninyo na po about shame campaign. Iyon na lang pong kay Virgil Lopez ng GMA News Online: Sec. Salvador Panelo on Sunday said that the Catholic Bishops Conference of the Philippines latest pastoral letter which criticizes the new Anti-Terror Law appears to have violated the doctrine of the separation of Church and State as mandated by the Constitution. Is criticism of government policy covered by the doctrine of separation of Church and State?
SEC. ROQUE: Sa tingin ko po, dahil 15 taon naman akong nagturo ng Constitutional Law sa UP Law, ang separation po ay dalawang bagay: Iyong non-establishment, ibig sabihin, hindi magbibigay ng pabor ang estado sa kahit anong pananampalataya at saka iyong free exercise which is the freedom to belief. So, iyon lang po iyong dalawang bagay na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas doon sa separation of church and state – non-establishment and the freedom to belief.
Yes, next question, please.
USEC. IGNACIO: From Sherrie Ann Torres of ABS-CBN: Update daw po sa distributed second tranche ng SAP at ano po ang nakita ng Palasyo na naging cause of delay sa second tranche distribution? Sabi daw po kasi ng DSWD, as of July, nasa 3.2 million pa lang ang out of the targeted 18 million family beneficiaries ang nabigyan ng second tranche ng SAP.
SEC. ROQUE: Well, ang update po ay mayroon ng 3,371,494 beneficiaries, ang halaga pong niabigay na ay P20.1 billion out of P100 billion. Mabagal po talaga, masasabi ko po na nabagalan din ang Palasyo sa proseso ng pangalawang tranche. Maraming dahilan po ang sinasabi ng DSWD pero tinatanggap ho namin ang deklarasyon ng DSWD na hindi matatapos ang July na hindi maibibigay ang kabuuan ng ayuda maliban doon sa mga walang access sa internet. Iwan na lang po natin doon.
USEC. IGNACIO: Hanggang kailan daw po ang palugit na ibibigay ng Malacañang sa DSWD at DOLE para makumpleto ang SAP distribution sa beneficiaries nito?
SEC. ROQUE: Ang sabi po ng DSWD hanggang katapusan lang po ng Hulyo and we will hold—the Palace will hold DSWD to that.
Okay. Thank you, Usec. Pia Gutierrez/ABS-CBN.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Hi sir, Good afternoon. Sir, my question is connected to the President’s remaining years in power. So, in terms of priorities po of the Duterte Administration, what will we expect from the administration in his last two years of office?
SEC. ROQUE: Puwede ba ho hintayin na lang natin iyong talumpati ng Presidente kasi I’m sure, that’s one of the things that he would talk about – his priorities for the remaining two years in office.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: Pero are we confident po na mababalik ng Duterte Administration iyong binabanggit na upward trajectory na naudlot ng pandemic and how do we expect to do that, sir?
SEC. ROQUE: Well, we have sound fundamentals po, napakagaling po ng ating ekonomiya bago tayo na-peste ng COVID at inaasahan po natin dahil patuloy pa rin naman ang pagtitiwala sa atin ng mga nagpapautang at patuloy pa rin ang suporta ng taumbayan na makakamit po natin iyong sinasabing ‘V-shape’ recovery – iyong mabilisang pagtaas muli ng ekonomiya matapos po iyong bagsak ng ekonomiya dahil po sa COVID.
USEC. IGNACIO: Pero sir iyong V-shape recovery, this is upon the expectation that a vaccine will be discovered and mass administered soon but what happens if ma-delay iyong pagkakaroon ng mass vaccine against COVID-19? If it would not be available, say in the next year and even longer than that, what will happen to our targets then?
SEC. ROQUE: Salamat sa katanungan na iyan. Alam ninyo po, talagang hindi natin malalaman kung kailan ang bakuna, kailan ang gamot, kaya nga po nagdedesisyon na tayo na pag-ingatan ang ating buhay para tayo po ay maghanapbuhay.
Gumawa na po tayo ng mga pamamaraan na patuloy nating itaguyod ang ating hanapbuhay na pinoprotektahan din ang ating kalusugan, ganiyan na po talaga ang new normal. So, lahat po ng polisiya ng gobyerno hindi naman po nakabase sa pagkakaroon ng vaccine, ang polisiya po natin ngayon, pag-ingatan ang ating katawan pero kinakailangan isulong na ang hanapbuhay.
PIA GUTIERREZ/ABS-CBN: All right, sir. Thank you.
SEC. ROQUE: Thank you, Pia. Back to USec. Rocky, please.
USEC. IGNACIO: Secretary, from Arianne Merez ng ABS-CBN Online: There is a call from journalists and media organizations for the Palace to air unedited speeches of the President for transparency. What is the Palace’s response to this call?
SEC. ROQUE: Ang alam ko po inere na po ang talumpati ng Presidente. Again, wala po ako doon. So, ang nakita ko po ay nakita rin ninyo. Pangalawa po, alam po ninyo kapag mayroon naman pong magrereklamo siguro dahil siya ay na-censor, ang Presidente mismo. So, iwan na lang po natin diyan iyan.
USEC. IGNACIO: Iyong second question po ni Arianne, natanong na po ni Joseph Morong about SONA. Tanong na lang po ni Louell Requilman of Banat Pilipinas, Davao media: Now that the President already signed the law na pinapayagang baguhin ang petsa ng pagsisimula ng klase sa mga public school, would this mean na iko-consider na ng Pangulo na maurong pa ang opening ng klase mula sa August 24, considering na tumataas pa din po ang kaso ang ng COVID sa bansa?
SEC. ROQUE: Well, alam po ninyo, blended learning naman po ang ating isusulong. May proposal po na magkaroon ng face to face doon sa mga lugar na wala na po o maliit lang ang banta ng COVID, pero wala pa pong desisyon. At sang-ayon po sa batas, ang Presidente naman po ay magdedesisyon sang-ayon din sa rekomendasyon ng ating Kalihim ng Department of Education.
USEC. IGNACIO: Iyong second question po niya: Sa pinakahuling ng Congress with DSWD about SAP issue, naungkat po iyong probisyon ng batas na ang household lang ang bibigyan hindi daw po kasama ang mga single parent or mga single mother or father, which sparked various reaction from beneficiaries. Tama po ba ang pagkakaintindi ng DSWD na dahil sa ‘household’ na term na nasa Bayanihan Law ay hindi nga dapat kasama ang mga single parent?
SEC. ROQUE: Ang alam ko po literal definition ang household. Sa tinatawag po naming statutory construction, kapag mayroon pong ginamit na salita, ang bibigay po ninyo diyan literal meaning or dictionary meaning. So we will apply the dictionary meaning of a household, iisang bahay po.
USEC. IGNACIO: From Julie Aurelio: Can we get the Palace’s comment on the call of Representatives Marcoleta, Remulla and Defensor for more sanctions versus ABS-CBN such as a 1.97 trillion fine and the seizure of its 44,000 square meter headquarter on Mother Ignacia. Does the Palace support such moves?
SEC. ROQUE: Wala po tayong komento diyan. Iyan po ay indibidwal na opinion ng ating mga mambabatas, our policy makers. We respect their view, but we take no stand.
USEC. IGNACIO: Ang tanong naman po ni Vanz Fernandez. Para daw po kay Mayor Isko, update daw po sa mga barangay chairman na kakasuhan. Ilan daw po ang bilang sa ngayon?
MAYOR MORENO: Ngayon po ay mayroon po tayong bagong kinasuhan na chairman. Nahuli po silang nagsasabong at nakakuha tayo ng mga testigo na talagang naglaro sila ng sabong during the GCQ sa isang maliit na iskinita sa Tondo. At iyong isa naman po kanina, may nakita akong video na nag-iinuman sa labas ng kalye, araw na araw, mga barangay officials.
So tuluy-tuloy po iyong ating pagkakastigo sa mga iresponsableng barangay official, while at the same time, pinupuri naman natin iyong iba. But rest assured na ang mga pabayang barangay official ay kakastiguhin natin lalo na iyong mga hindi nagpapatupad ng GCQ policy because under that policy, basic iyong dalawa, iyong mga bata dapat hindi lumalabas, iyong bente anyos pababa at iyong ating mga senior citizen.
Now, noong isang araw, marami tayong mga magulang na pinaylan na ng kaso sa pagiging iresponsable sa kanilang mga anak at mayroon na rin tayong pinagpapaliwanag na mga barangay official na nagpapabaya. Now, noong nakaraang ECQ ay napaylan na po sila ng mga kaso. Ito pong bago ngayon sa GCQ ay minamanmanan natin iyong 896 barangay. And binigyan na natin ng direktiba si General Miranda, ang aming Chief ng Manila Police District at lahat ng station commander to go around and utilize our mobile patrol – iyong bago naming mobile patrol – na magtaboy, mag-abiso, mag-gabay sa bawat komunidad.
At we will not hesitate, with all honesty, records will show, marami nang napaylan ng kaso and we will continue doing that kapag sila po ay nagpabaya.
SEC. ROQUE: We are out of time. Pero siguro po bilang last question kay Mayor Boy Cruz – Mayor, sa iyong pananaw bilang Mayor ng Guiguinto, sapat ba ho ang hakbang na ginagawa ng ating gobyerno para labanan itong COVID-19?
MAYOR CRUZ: Napakaganda po ng mga suporta na binigay ng pamahalaang national. At kagaya po noong one month na budget po namin ay nagastos naman po ito nang maayos at napakinabangan ng ating mga kababayan. Ito ho ay kabilang doon sa paglulunsad namin ng programa dito sa bayan ng Guiguinto. Ang tawag po namin dito ay matino at mahusay na pamamahala dhil po rito ay nakita ang ibayong pag-unlad. Sa kasalukuyan po, ang aming inilulunsad ay ang pamahalaang may malasakit at disiplina, sapagkat kailangan pong magmalasakit ang ating mga kababayan para po hindi lumaganap masyado itong COVID na ito at nandoon na rin ang disiplina sa pagtupad po ng mga health protocol.
So, nakapaganda ng intervention ng pamahalaang national kahit po ang aming provincial at even ho ang pamahalaang bayan ng Guiguinto ay halos nakatugon po kami. Iyon pong aming ipinamigay na tulong ay halos naka-anim na beses po kami ng pamimigay dito, at na-appreciate naman ito ng ating mga kababayan.
SEC. ROQUE: Well, with that malasakit and disiplina, nagpapasalamat po kay Mayor Ambrocio ‘Boy’ Cruz, kay Mayor Isko Moreno at sa mga miyembro ng Malacañang Press Corps kasama na po si Usec. Rocky.
Sa ngalan po ng ating Presidente Rodrigo Roa Duterte, ito po ang inyong Spox Harry Roque nagsasabi: Pilipinas, ingat po tayo. Let’s keep safe. Magandang hapon po sa inyong lahat.