Manila, Philippines – Kinatigan ng ilang kongresista ang banta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maaaring kumpiskahin ng pamahalaan ang mga airwave at linya ng mga higanteng telecommunication company kung patuloy sila sa kanilang pang-aabuso sa kanilang mga kostumer.
Sa ikalimang State-of-the-Nation Address ng Pangulo, sinabi nito na siya mismo ay biktima ng palpak na serbisyo ng Globe at PLDT-Smart na laging nagsasabing “the party cannot be reached” subalit patuloy naman sa paniningil nang mahal na serbisyo.
Tinaningan pa ng Pangulo ang mga telco nang hanggang Disyembre ng taong kasalukuyan para ayusin ang kanilang palpak na serbisyo.
Kaugnay nito, nanawagan si BH Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy sa Globe at PLDT-Smart na kusang ayusin ang kanilang serbisyo kasabay ng bantang bubuhayin ng Kamara ang imbestigasyon laban sa mga ito.
“Globe at PLDT-Smart, magkusa na kayong pagandahin ang inyong serbisyo ngayon pa lang. Bubuhayin ng Kongreso ang imbestigasyon upang marinig ng mga kinatawan ang inyong kongkretong plano kung paano pagagandahin ang serbisyo ng internet na kailangang-kailangan ng taumbayan.”
Itinuring din ang mga nabanggit na telco na “Berdugo ng Taumbayan” dahil sa pagsasamantala nila sa publiko sa panahon ng Coronavirus Disease 2019.
Binanggit din ng Pangulo na hahabulin ng gobyerno at kakasuhan ang mga nagsamantala sa taumbayan at kumita sa panahon ng COVID-19 pandemic.
Dahil dito, iminungkahi ni ACT-CIS Rep. Jocelyn Tulfo na payagan ng sangay ng ehekutibo na paharapin o tumestigo sa Kamara ang mga gabinete para maisiwalat ang mga anomalya o nagsamantala sa panahon ng pandemya gayundin ang mga nagbulsa ng pondong inilaan sa ilalim ng Bayanihan Act.
“We must make sure there are no cover-ups and do not hide behind executive privilege.”
Kaugnay nito, hinamon ni Tulfo ang Commission on Audit (COA) na magsagawa ng masinsinang audit sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
“I ask the Commission on Audit to conduct a thorough special audit of the DSWD Social Amelioration Program. I also suggest the Philippine Institute of Development Studies to conduct a detailed research about the Bayanihan Act aid programs,” giit pa ni Tulfo.
Hinamon din ni Herrera ang Bangko Sentral ng Pilipinas, Department of Trade and Industry at iba pang economic agencies na magkaroon ng pare-parehong ordinansa at resolusyon sa local government levels.
Maging ang upa sa pabahay, apartment at condo ay iminungkahi nito sa Department of Human Settlements and Urban Development, maging sa DTI ay dapat munang ipagpaliban batay na rin sa panawagan ni Pangulong Duterte sa kanyang SONA.