Nababahala si Committee on Basic Education Committee Chairman Senator Sherwin Gatchalian sa mababang bilang ng mga batang naka-enroll sa mga programa ng gobyerno na National Child Development Centers (NCDCs) at Child Development Centers (CDCs) para sa School Year 2022-2023.

Sa kabila kasi ng mga pagsisikap para mapaghusay ang early childhood education, naitala na siyam na porsyento lang ng mga batang edad dalawa hanggang apat na taon ang naka-enroll sa mga nabanggit na programa.

Tinukoy rin ni Gatchalian ang datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Early Childhood Care and Development Council (ECCDC) kung saan sa mahigit 6.8 million na mga batang edad dalawa hanggang apat na taong gulang, mahigit 600,000 lamang dito ang naka-enroll sa NCDCs at CDCs.

Malayong malayo aniya ito sa layuning makamit ang dapat na bilang at mapalakas ang early ECCD.

Napag-alaman pa sa pagaaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na ang dahilan ng mababang bilang ng mga batang ipinapasok sa pre-kindergarten ay dahil sa pananaw ng mga magulang na masyado pang bata ang mga anak para papasukin sa paaralan.

Bukod dito, nakaapekto rin ang hindi pantay na pagkakaroon ng daycare centers sa pagitan ng mga first class at lowest income municipalities.

Dahil dito, isinusulong ni Gatchalian ang agad na pagsasabatas sa Senate Bill 2029 o ang Basic Education and Early Childhood Education Alignment Act na titiyak sa paghanay ng ECCD curriculum sa K to 12 Basic Education curriculum at magbibigay mandato para sa mas malaking responsibilidad ng mga LGU na ipatupad ang early childhood care and development sa kanilang nasasakupan.



Main Menu

Secondary Menu