Nasermunan ni Senator Cynthia Villar ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) na nakatalaga sa corn industry sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform na pinamumunuan ng senadora.

Ito ay dahil panay imported umano ang ginagamit na mga binhi at iba pang farm inputs sa mais.

Tinukoy ni Villar na batay sa report ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), 60 hanggang 80 percent ng ginagamit na binhi sa yellow at white corn ay imported pati na rin ang iba pang ginagamit sa pag-develop ng corn industry.

Nakasaad pa sa report na hindi mababa ang presyo ng mais at isa ito sa dahilan ng pagtaas sa presyo ng manok at baboy dahil mais ang pinapakain sa mga ito.

Iginiit ni Villar na ilan ito sa mga dahilan kaya binabansagang “Department of Importation” ang Department of Agriculture dahil sa hilig ng ahensya sa imported at pag-aangkat.

Hinala pa ng senadora na posibleng may porsyento sa importasyon kaya mas pinipili ang pag-iimport ng mga produkto.

Hindi rin umubra kay Villar ang katwiran ng DA na resistant o matibay laban sa peste ang mga imported na mais at sa halip ay dapat na nagde-develop ang ahensya ng sariling seedlings o punla at hindi dapat ikatwiran ng mga opisyal na bago lang sa ahensya kaya wala pa silang masyadong alam sa industriya.



Main Menu

Secondary Menu