Uphold the welfare of teachers. This should be a priority of the next administration as the country continues to grapple with the education crisis according to re-electionist Senator Win Gatchalian.

The senator pressed the importance of boosting the morale of teachers, citing their role as frontliners for learning continuity amid the COVID-19 pandemic and ongoing recovery efforts. Gatchalian also noted that even before the pandemic struck the country, public school teachers were already overworked and their meager pay is not commensurate with their additional responsibilities and workload.

According to a 2019 study by the Philippine Institute for Development Studies (PIDS), public school teachers are burdened with several additional administrative or student support roles, a situation which can affect the quality of teaching. For instance, they participate in the implementation of various programs such as mass immunizations, deworming, feeding, and elections, among others.

Gatchalian added that higher salaries for public school teachers are already overdue. His proposal is to raise the salary of Teacher I from Salary Grade 11 (P25,439) to Salary Grade 13 (P29,798) or Salary Grade 14 (P32,321). The lawmaker noted that in terms of entry-level salaries, Filipino teachers are already left behind by their peers in other ASEAN countries like Indonesia (P66,099) and Singapore (P60,419).

"Sa pagtugon natin sa krisis sa sektor ng edukasyon, mahalagang itaguyod natin ang kapakanan ng mga guro at tiyakin nating mataas ang kanilang morale, lalo na't malaking bahagi sila sa pagkatuto ng mga kabataan. Kaya naman dapat maging prayoridad ng susunod na administrasyon ang pangangalaga sa ating mga guro," said Gatchalian.

Should he win a second term in the Senate, Gatchalian vowed to seek amendments to the Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670) and make it more responsive to present challenges.

One provision of the Magna Carta provides that every public school teacher shall not render more than six hours of actual classroom teaching a day. Teachers are entitled to additional compensation for activities outside of their normal duties or in excess of six hours a day of teaching load. The Magna Carta also provides that public school teachers are entitled to free and compulsory medical examination before taking up teaching.

Gatchalian emphasized that the government was not able to guarantee these benefits, even as COVID-19 threatened the health and safety of teachers.

Gatchalian: Kapakanan ng mga guro dapat prayoridad ng susunod na administrasyon

Itaguyod ang kapakanan ng mga guro. Para sa re-electionist na si Senador Win Gatchalian, isa ito sa mga dapat bigyang prayoridad ng susunod na administrasyon sa gitna ng patuloy na pagtugon ng bansa sa krisis sa edukasyon.

Binigyang diin ni Gatchalian na dapat itaas ang dangal ng mga guro, lalo na't sila ang nagsisilbing frontliners sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng pandemya ng COVID-19 at sa patuloy na pagbangon ng bansa. Ani Gatchalian, doble-doble na ang pasanin ng mga guro bago pa man tumama ang pandemya. Kaya patuloy pa rin silang nananawagan para sa makatarungang sahod na tutugma sa kanilang mga karagdagang responsibilidad at mga gawain.

Ayon sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS), sinasalo ng mga guro sa pampublikong mga paaralan ang dagdag na gawaing administratibo, bagay na nakakaapekto sa kalidad ng kanilang pagtuturo. Halimbawa, inaasahan sila na lumahok sa pagbabakuna, deworming, feeding, halalan, at iba pang programa ng pamahalaan.

Ayon pa kay Gatchalian, napapanahon nang itaas ang sahod ng mga guro. Panukala niya, itaas ang sahod ng mga Teacher I mula Salary Grade 11 (P25,439) paakyat sa Salary Grade 13 (P29,798) o Salary Grade 14 (P32,321). Pagdating sa entry-level na sahod, napag-iiwanan na ang mga Pilipinong guro kung ihahambing sa ibang bansa sa ASEAN tulad ng Indonesia (P66,099) at Singapore (P60,419).

"Sa pagtugon natin sa krisis sa sektor ng edukasyon, mahalagang itaguyod natin ang kapakanan ng mga guro at tiyakin nating mataas ang kanilang moral, lalo na't malaking bahagi sila sa pagkatuto ng mga kabataan. Kaya naman dapat maging prayoridad ng susunod na administrasyon ang pangangalaga sa ating mga guro," ani Gatchalian.

Nanindigan naman ang mambabatas na kung mahalal siya sa pangalawang termino sa Senado, isusulong niya ang pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers (Republic Act No. 4670) at gawin itong mas akma sa kasalukuyang panahon.

Sa ilalim ng Magna Carta, hindi dapat lalagpas sa anim na oras kada araw ang pagtuturo ng mga guro sa pampublikong paaralan. Sakaling lumagpas o kaya naman ay kinailangan nilang gawin ang karagdagang mga gawain, kailangan nilang tumanggap ng karagdagang sahod. Nakasaad din sa Magna Carta na dapat bigyan ang mga guro ng libreng pagsusuring medikal bago sumabak sa pagtuturo.

Ani Gatchalian, nabigo ang pamahalaan sa pagtiyak sa mga benepisyong ito, lalo na noong sumiklab ang pandemya ng COVID-19 at naging banta ito sa kalusugan at kaligtasan ng mga guro.



Main Menu

Secondary Menu