Tinatayang aabot sa P201 hanggang P431 bilyong piso ang kinakailangang pondong pautang para sa maliliit na magsasaka at mangingisda sa taong 2024, upang tustusan at mapataas ang kanilang produksyon at mapaunlad ang kanilang kabuhayan, ayon sa pag-aaral na isinagawa ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at Philippine Institute for Development Studies (PIDS).
Ayon pa sa naturang pag-aaral, malaki ang naging epekto ng pandemya sa pagtaas ng credit demand ng mga magsasaka at mangingisda dahil mas malaki ang kinakailangang kapital para sa kanilang mga proyekto.
Dagdag pa dito, ang pagdami ng mga manggagawang pumasok o bumalik sa trabaho bunsod rin ng pandemya.
Ayon din sa pag-aaral, ang mga agri-fishery credit programs ay makatutulong sa pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda at sa pagsiguro na may sapat na pagkain ngayong nahaharap ang bansa sa mga banta ng problema sa food supply.