Manila, 29 August 2023 – UN children’s agency UNICEF joins millions of learners, teachers and education advocates as children go back to school today. UNICEF commends the Department of Education and the BARMM Ministry of Education for getting children back into schools after the COVID-19 pandemic and launching the new K-10 Curriculum focused on foundational skills. The UN children’s agency encourages officials to prioritize early learning, strengthen parental engagement, and intensify local actions tied to the national MATATAG agenda.
“The learning crisis affects vulnerable children the most and is a major driver of intergenerational poverty and inequality. The futures of millions of children in the Philippines hang in the balance. While the learning crisis is a global challenge, it is not an impossible one. We know the solutions to ensure all children gain basic skills to prevent a generational catastrophe. We must act urgently to ensure every child reaches and stays in the classroom,” said UNICEF Philippines Representative Oyunsaikhan Dendevnorov.
In the Philippines, around 78% of children 3-4 years old are not attending day care while 28% of 5-year-olds were not enrolled in kindergarten (FLEMMS 2019). Numbers are more dismal in regions such as the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, where 90% of children are not in day care and 35% are not in kindergarten. Quality pre-primary education is the foundation of a child’s journey. Every stage of education that follows relies on its success.
UNICEF continues to advocate and support the government in ensuring that quality Early Childhood Education (ECE) services are available for all children 3-5 years old, especially for those who are vulnerable, such as children with disabilities, and those in hard to reach, and disaster-prone areas. This requires local governments and schools to maintain annual data on the total population of this group of children, how many of them are enrolled and not enrolled, along with the reasons contributing to their non-participation in ECE as basis for planning and implementing interventions.
Findings from the Philippine Institute for Development Studies (PIDS) revealed that the reason for the low enrollment of children in pre-kindergarten is due to parents' perception that their children are still too young for school entry, and the unequal distribution of daycare centers between first-class and lowest-income municipalities.
Empowering parents and caregivers is also an important factor in learning recovery. According to the Southeast Asia Primary Learning Metrics 2019 study, among the six SEA participating countries, Filipino children had the largest gap in test scores between those with the highest-engaging parents and the lowest ones, denoting that parents’ involvement in academic activities is essential in children’s school performance. Parents and caregivers should be equipped with the right knowledge and skills to be involved in their children’s development and learning, making their academic success more achievable. Activities that nurture parent-child relationships and improve children’s self-esteem and motivation to learn can go a long way in improving educational outcomes.
UNICEF also asks officials to intensify local actions tied to national education priorities. After the alignment of the MATATAG agenda with the Basic Education Development Plan 2030, UNICEF hopes that DepEd can support all regional and division offices, as well as schools to realign their respective development plans with national directives. These plans, together with the piloting of the recently bared K-10 curriculum, will ensure significant improvements in both the academic and administrative operating environment of DepEd and all classrooms nationwide to accelerate learning recovery. Resources and political will to support education should ensure equitable access to education for the most disadvantaged children, including those with disabilities, those living in remote areas, children belonging to indigenous groups, and girls.
Tagalog version
Akses sa preschool, suporta ng magulang, at agarang lokal na aksyon, susi sa pagpapabuti ng edukasyon – UNICEF
Sinalubong ng UNICEF ang unang araw ng eskwela na puno ng pag-asa at nananawagan ng agarang aksyon para sa mga bata
Manila, 29 August 2023 – Kasama ng milyun-milyong mag-aaral, guro, at mga tagapagtaguyod ng edukasyon, ipinagdiriwang ng UNICEF ang mga batang nagbabalik-eskwela ngayong araw. Nagbibigay pugay ang UNICEF sa Department of Education (DepEd) at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Ministry of Education sa kanilang mga hakbang upang makabalik sa pag-aaral ang mga bata matapos ang pandemya at sa paglulunsad ng bagong K-10 Curriculum na nakatuon sa mga pundasyonal na kasanayan. Hinihikayat ng UNICEF ang mga opisyal na bigyang-pansin ang maagang pag-aaral, patibayin ang pakikilahok ng mga magulang, at palakasin ang mga lokal na aksyon na kaugnay ng pambansang MATATAG na agenda.
“The learning crisis affects vulnerable children the most and is a major driver of intergenerational poverty and inequality. The futures of millions of children in the Philippines hang in the balance. While the learning crisis is a global challenge, it is not an impossible one. We know the solutions to ensure all children gain basic skills to prevent a generational catastrophe. We must act urgently to ensure every child reaches and stays in the classroom,” ayon kay Oyunsaikhan Dendevnorov, Kinatawan ng UNICEF sa Pilipinas.
("Ang krisis sa pag-aaral ay hindi lamang lubos na nakakapekto sa mga batang may limitadong pinansyal na kakayahan, ito rin ay pangunahing sanhi ng kahirapan. Nasa bingit ng panganib ang kinabukasan ng milyun-milyong bata sa Pilipinas. Bagamat ang krisis sa edukasyon ay isang pandaigdigang hamon, ito ay kayang lunasan. Alam natin ang mga solusyon upang matiyak na makakamit ng lahat ng bata ang mga pangunahing kasanayan. Dapat tayong kumilos nang agaran upang matiyak na makakapasok at mananatili sa paaralan ang bawat bata.")
Sa Pilipinas, halos 78% ng mga bata na may edad na 3-4 taon ay hindi pumapasok sa preschools, habang 28% ng mga may edad na 5 taon ay hindi nakatala sa kindergarten (FLEMMS 2019). Higit na nakakaalarma ang kalagayan sa mga rehiyon tulad ng BARMM, kung saan 90% ng mga bata ay wala sa day care at 35% ay wala sa kindergarten. Ang kalidad na pre-primary education ay importanteng pundasyon, at ang tagumpay ng mga susunod na mga taon ay nakasalalay rito.
Patuloy na nagmumungkahi ang UNICEF at sumusuporta sa pamahalaan upang matiyak na ang mga bata sa pagitan ng edad na 3 hanggang 5, lalo na ang may mga kapansanan at mula sa mga lugar na mahirap abutin at kadalasang nasasalanta, ay may akses sa dekalidad na mga serbisyong Early Childhood Education (ECE). Upang makamit ito, hinihimok ang lokal na pamahalaan at mga paaralan na ipagpatuloy ang taunang pagtala ng populasyon ng mga bata at alamin kung ilan sa kanila ang nakapag-enrol at hindi, at ang sanhi nang hindi pag-enrol sa ECE bilang batayan sa pagpaplano at pagpapatupad ng mga interbensyon.
Nakita ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na ang dahilan ng mababang enrolment ng mga bata sa pre-kindergarten ay dulot ng pananaw ng mga magulang na masyado pang bata ang kanilang mga anak upang mag-aral, at ang hindi pantay na pamamahagi ng mga daycare center sa pagitan ng mga munisipyong may kaya at sa mga nangangailangan ng karagdagang suporta.
Ang paghikayat sa mga magulang at tagapag-alaga ay mahalaga rin sa pag-angat ng edukasyon. Ayon sa Southeast Asia Primary Learning Metrics 2019, sa anim na bansang kasali sa SEA, ang mga batang Pilipino ang may pinakamalaking agwat sa mga test score batay sa kung gaano nakatuon ang mga magulang sa kanilang pag-aaral. Nagpapahiwatig ito na ang pagtuon ng mga magulang sa kanilang mga anak ay mahalaga sa academic performance ng mga bata. Ang mga magulang at tagapag-alaga ay nararapat na magkaroon ng tamang kaalaman at kasanayan upang maging bahagi sa pag-unlad at karunungan ng kanilang mga anak. Ang mga aktibidad na nagpapa-igting ng ugnayan ng magulang at anak ay hindi lamang makakatulong sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili, ito rin ay makakatulong sa pag-angat ng kanilang mga grado sa paaralan.
Tinatawagan ng UNICEF ang mga opisyal na paigtingin ang mga lokal na aksyon kaugnay ng mga pambansang prayoridad sa edukasyon. Kasunod sa paghahanay ng agenda ng MATATAG sa Basic Education Development Plan 2030, umaasa ang UNICEF na susuportahan ng DepEd ang lahat ng mga regional at division office, pati na rin ang mga paaralan na ayusin ang kanilang mga development plan ayon sa mga direktiba na pangnasyunal. Ang mga planong ito, kasama ang pagsusuri sa bagong K-10 curriculum, ay magtutulak nang malalimang pagpapabuti sa parehong akademiko at administratibong aspeto, at gayun din sa lahat ng silid-aralan sa buong bansa upang mapabilis ang pag-angat ng edukasyon. Ang mga resources at political will upang suportahan ang edukasyon ay dapat ilaan sa mga pinakamahihirap na bata, kasama na ang mga may kapansanan, mga naninirahan sa mga liblib na lugar, mga bata mula sa mga katutubong grupo, at mga batang babae.