KINONSULTA ng liderato ng Kamara ang mga miyembro ng academe sa pagbuo at pagtalakay sa 2021 Proposed National Budget.
Katunayan ay nakipagpulong si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga kinatawan ng Knowledge for Development Community o KDC para sa kanilang inputs sa pambansang pondo.
Kabilang sa mga dumalo sa meeting ay ang mga taga Philippine Institute of Development Studies (PIDS), De La Salle University, Stephen Zuellig Graduate School-Asian Institute of Management (AIM), Central Philippine University, Iloilo City, Siliman University in Dumaguete at St. Paul University ng Tuguegarao.
Bagama’t aminado si Cayetano na limitado ang resources ng bansa dahil sa pandemya, giit nito na patuloy nilang kukunin ang inputs ng iba’t ibang sektor para sa pambansang pondo.
“We hope to open more avenues of cooperation with the academe, non-government organizations, and other sectoral groups in the budget hearings this month to help make the 2021 budget more responsive and inclusive.”
—House Speaker Alan Peter Cayetano
Ang education sector pa rin ang may pinakamataas na budget sa 2021 na may mahigit sa P700-B alokasyon.
Welcome development aniya ang partisipasyon ng mga taga academe dahil sa ibang prospective na hatid ng mga pondo sa 2021 National Budget.
“Maganda na marinig natin ang boses mismo ng mga mamamayan dahil sila ang tunay na nakakaalam sa problema ng bayan.”
—House Speaker Alan Peter Cayetano
Dahil diyan ay hahanap pa ang liderato ng iba pang mga research project naa maaaring makatulong sa budget process.