Para palakasin ang pagsisikap ng gobyerno na bumuo at magpatupad ng e-government service, dapat manguna ang mga local government unit (LGU) sa digital transformation sa pampublikong sektor, ayon kay Senador Sonny Angara.

Sabi ng senador, bumilis ang paglipat sa digital o online service kasunod ng pagtama COVID-19 pandemic sa Pilipinas noong nagdaang taon.

“One need only to look into how more Filipinos now regularly use their mobile phones and computers to shop, do their groceries, and even transact with their banks. Our government processes and services should follow suit,” sabi ni Angara.

Ayon sa Department of Interior and Local Government, 30 porsiyento ng mga LGU ang nagpapatupad na sa kasalukjyan ng online service.

Sa pag-aaral naman ng Philippine Institute for Development Studies noong Setyembre 2020, napag-alaman ang limitadong access sa computer, ang kakulangan ng standardization, mahinang imprastraktura at iba pang isyu ang nakakasagabal sa development a tpagpapatupad ng e-government services sa bansa.

Bagama’t marami pa rin sa mga LGU ang nagpapatuloy ng face-to-face na transaksiyon, ang kawalan ng digital services ang siyang nagiging problema lalo na sa naranasang distribusyon ng cash aid o ayuda habang pinapatupad ang enhanced community quarantine period.

“We witnessed how thousands of people had to go out of their homes and line up at designated areas in their respective LGUs to apply and receive their cash assistance. This was not only a labor-intensive and tedious process, but also created significant health risks on both the recipients and the government workers,” sabi ni Angara.

Para mapadali ang paglipat ng mga LGU sa digital service, naghain si Angara ng Senate Bill 1943 or the Local Information and Communications Technology Officer (ICTO) Act, na naglalayong magbuo ng bagong posisyon sa ICTO sa lahat ng lalawigan, lungsod, at munisipalidad sa bansa.



Main Menu

Secondary Menu