Bagamat mas maraming kababaihan ang nagsasagawa ng online selling, mas malaki naman umano ang kita ng mga lalaki sa industriyang ito, ayon sa isang pag-aaral.
Sa pag-aaral, na pinamagatang “Expanded Data Analysis and Policy Research for National ICT Household Survey 2019,” nadiskubre na 5% ng mga babaeng internet user ang nag-o-online selling, habang 4% lamang para sa kalalakihan.
Gayunman, nalaman ng mga mananaliksik na ang mga lalaking online seller ay may average na kita na P10,898, habang ang average na kita ng mga babae ay P6,041.
“We conducted some basic econometric modeling and observed that engagement in online selling is more likely for women, married individuals, and more educated persons,” saad ni Jose Ramon Albert, parte ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na nagsagawa ng pag-aaral.
“As a person grows older, there is a greater chance of engaging in online selling, but this reverses among older people,” dugtong pa niya.
Ngunit ayon sa mga mananaliksik, kailangan pa ng mas masusing pag-aaral upang malaman kung may koneksyon sa kasarian ang kita ng mga online seller. (mjd)