DALAWA sa bawat limang pamilyang Pilipino ang nanatili o bumaba sa hanay ng maralita sa loob ng tatlong taon. Ibig sabihin, hindi sila nakaahon mula sa kadukhaan, o kaya’y dating angat pero biglang lumagapak. Halaw ito sa datos ng karalitaan nitong nakaraang 15 taon. Sinaliksik ito nina Christian Mina at Celia Reyes ng Philippine Institute for Development Studies, ang think tank ng estado ng Pilipinas.
Malaki ito -- 40% ng dami ng pamilya -- kaya nakakabahala. Miski dating hindi mahirap ay maaring biglang maging dukha. Ang dati nang dukha ay nakalubog sa napakalalim na balon kaya hindi makaalpas.
Dalawa ang sanhi ng bigla at permanenteng karalitaan: Sakuna sa komunidad o personal na kasawian. Baha, lindol, tsunami, sunog, giyera (tulad ng sa Marawi), epidemya, krisis sa ekonomiya, malawakang unemployment, kolapso ng stock market -- mga uri ‘yan ng sakuna sa komunidad o bansa.
Mga uri naman ng personal na kasawian ang kapansanan sa kapanganakan, pagkalumpo, malubhang sakit, pagkamatay ng padre de pamilya, pagtanggal sa trabaho, o pagkalugi sa negosyo.
Mas malamang na manatili o bumagsak sa karalitaan ang Pilipino dahil sa personal na kasawian kaysa sakuna sa komunidad. Mabuting mabatid ito ng gobyerno, para mapagplanuhan. Halimbawa, mga tulong at patakaran para sa mga may kapansanan, lalo na kung ulila. Gayundin sa mga namatayan o nalumpo, tulad ng tinanggap ng mga pamilya ng mga pulis na nasawi sa Mamasapano at sundalo sa Marawi. Siyempre, daglian ding tulong sa mga naaaksidente sa daan, dagat, o ere.
Mas malamang bumagsak sa karalitaan o manatili doon ang mga bata pa ang padre de pamilya at mababa lang ang napag-aralan. Karamihan ay nasa kanayunan, at sa sektor ng agrikultura.