Hindi dapat mapag-iwanan ang ating mga estudyanteng may kapansanan o ‘yung tinatawag na learners with disabilities. Hinihimok natin ang Department of Education (DepEd) na siguruhing patuloy pa rin ang kanilang edukasyon at maayos ang mga polisiya para sa kanilang pag-aaral, sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19.
Napakahalaga po na matugunan ang pangangailangan ng mga learners with disabilities para hindi sila mapilitang mag-drop out. Bago pa nagkaroon ng local transmission ng COVID-19 sa bansa, marami na ang bilang ng mga mag-aaral na may kapansanan na hindi nakakapasok sa eskuwela.
Sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong Disyembre 2017, ang problemang pinansyal at kakulangan ng access sa Special Education o SPED centers ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nakakapag-aral ang mga kabataang pinoy na mayroong kapansanan.
Sa ating pagtugon sa ‘new normal’ na pamumuhay ngayon dahil sa COVID-19, patuloy nating pinag-aaralan ang iba’t ibang pamamaraan ng edukasyon tulad ng online learning. Meron din namang mga pamamaraan para sa mga estudyanteng walang internet o gadgets, tulad ng paggamit ng radyo at telebisyon, at mga printed packets. Importante na magamit ang mga ito sa paraang angkop sa mga mag-aaral na may kapansanan.
Halimbawa, ang printed packets ay maaaring gawing braille o audiobooks para sa mga may visual impairment o bulag. Dapat ding magkaroon ng sign language interpreters kung television-based instruction naman ang gagamitin.
Sa ilalim ng Filipino Sign Language (FSL) Act o Republic Act 11106, kung saan ang inyong lingkod ang isa sa mga may akda, mandato sa pamahalaan, mga paaralan at media ang paggamit ng FSL sa pakikipag-ugnayan sa mga indibidwal na wala o mahina ang pandinig. Mandato rin ng nasabing batas ang pagkakaroon ng FSL interpreter insets sa mga news and public affairs programs.
Dapat ding makipag-ugnayan ang DepEd sa mga local government units (LGUs) upang masigurong ang mga mag-aaral na may kapansanan ay nakakatanggap ng mga therapy at serbisyong pangkalusugan. Mahalaga po ang papel ng mga health professionals, kabilang ang mga developmental pediatricians, sa pagbuo ng mga individualized education plan (IEP) kung saan naka-detalye ang sistema ng edukasyon sa isang estudyanteng may kapansanan.
Sa pagpapatuloy ng edukasyon sa gitna ng krisis na ating kinahaharap, lalong dapat nating tutukan ang mga mag-aaral na may kapansanan at siguruhing hindi sila maiiwan. Kailangan nating matiyak at maiparating sa ating mga mag-aaral at kanilang mga magulang na mananatili silang ligtas sa pagpapatuloy ng kanilang edukasyon.