MANILA, Philippines – Napapanahon para sa The Department of Social Welfare and Development ang rekomendasyon na pagtataas ng halaga ng benepisyo sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program or 4Ps.

Sa Laging Handa virtual briefing, sinabi ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje na suportado ng ahensya ang nasabing rekomendasyon ng Philippine Institute for Development Studies noong Disyembre.

“Iyong sa rekomendasyon po nila na dagdag na cash grant ay sa palagay naman po natin ay napapanahon at dahil nga dito sa pandemyang hinaharap natin ay binigyan po natin ito ng konsiderasyon,” ayon kay Paje.

Ayon sa state-run think tank na ang DSWD ay kailangang pag-aralan “the need to establish a principle for adjusting the grant amount provided by the program ahead of the six-year schedule of reviewing the benefit level” na nakasaad sa Republic Act No. 11031 o 4Ps Act.

“If grant amounts cannot be adjusted proactively, supplementary interventions (other programs or other cash assistance) should be pursued,” saad pa sa rekomendasyon.

Ayon naman kay Paje na nagkaroon na rin ang ahensya ng dagdag-benepisyo sa mga nakaraang taon.

Kasama pa sa nirekomenda ay ang pag-ayos sa mekanismo ng pagpapadala ng ayuda sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng hindi paglilimita sa mga bangko na maarin mapag-withdraw-han ng mga benepisyaryo.



Main Menu

Secondary Menu