While the number of teenage pregnancies dropped in 2020, re-electionist Senator Win Gatchalian maintained that effective measures should be in place to ensure a decreasing number of teenage mothers in succeeding years.
Citing data from the Philippine Statistics Authority (PSA), Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Juan Antonio Perez III said that there were 56,428 live births among 10-to-17-year-old mothers in 2020, 6,082 or 10% lower than the 62,510 recorded in 2019.
According to POPCOM, COVID-19 lockdown restrictions and the lack of face-to-face classes contributed to the drop in adolescent pregnancies. The population body earlier warned, however, that numbers might rise anew once pandemic concerns recede.
For Gatchalian, the government should strengthen the implementation of its mitigation measures to prevent a resurgence of teenage pregnancies.
For one, the lawmaker pressed the need to address gaps in sexuality education in schools. While the Department of Education (DepEd) issued Order No. 31 s. 2018 to guide the delivery of comprehensive sexuality education, the Philippine Institute for Development Studies (PIDS) pointed out gaps in its implementation.
A March 2021 discussion paper by the state think tank revealed challenges such as the lack of qualified manpower and sufficient facilities, trainings, and instructional materials, coordination, and monitoring system. The study also pointed to the inadequacy and inaccessibility of trainings on sexuality education curriculum integration.
Gatchalian also pointed out that a higher age for determining statutory rape can also curb pregnancies among very young adults. Out of the 56,428 births from teenage parents, 51 were from girls aged 10 to 12—cases which could have resulted from statutory rape according to POPCOM. Almost 60 percent of fathers of children born to teenage mothers are aged 20 years old and above, POPCOM explained.
Last year, both houses of Congress ratified the proposed measure raising the age for determining statutory rape from 12 to 16. Gatchalian is one of the co-authors of the measure.
"Upang patuloy nating mapababa ang bilang ng mga batang ina sa mga susunod na taon, dapat nating tiyakin na may sapat tayong mga programa na magbibigay proteksyon sa ating mga kabataan. Dapat nating bigyan ito ng prayoridad dahil madalas napagkakaitan ng magandang kinabukasan ang mga batang ina," said Gatchalian, chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.
________________________________________
Gatchalian: Patuloy na pagbaba ng mga teenage pregnancy sa bansa dapat tiyakin
Bagama't bumaba ang bilang ng mga kaso ng maagang pagbubuntis o teenage pregnancy sa bansa, nanindigan si Senador Win Gatchalian na dapat tiyaking may mga epektibong hakbang na ipatutupad para sa patuloy na pagbaba ng bilang ng mga batang ina.
Batay sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), iniulat ni Commission on Population and Development (POPCOM) Executive Director Juan Antonio Perez III na may 56,428 na mga sanggol ang isinilang sa mga inang may edad na sampu hanggang labing-pito noong 2020. Mas mababa ito ng 6,082 o sampung porsyento sa 62,510 na naitala noong 2019.
Ayon sa POPCOM, ang ilang paghihigpit sa protocols at mga lockdown, kabilang ang kawalan ng face-to-face classes, ay nakatulong sa pagbaba ng mga kaso ng maagang pagbubuntis. Ngunit babala ng ahensya, maaari pa ring umakyat muli ang mga bilang kapag nawala na ang mga problemang may kinalaman sa pandemya.
Kaya naman para kay Gatchalian, dapat lalo pang paigtingin ng pamahalaan ang mga hakbang nito upang mapigilan ang pagdami ng mga batang ina sa bansa.
Isa na rito ang wastong pagpapatupad ng sexuality education sa mga paaralan. Bagama't nag-isyu ang Department of Education ng DepEd Order No. 31 s. 2018 upang gabayan ang paghahatid ng comprehensive sexuality education, lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (2021) ang ilang mga hamon sa pagpapatupad nito.
Sa discussion paper na inilabas ng PIDS noong March 2021, ilan sa mga hamong natuklasan ang kakulangan ng kwalipikadong manpower, sapat na mga pasilidad, mga pagsasanay, mga kagamitan sa pagtuturo, koordinasyon, at monitoring system. Nakita rin sa naturang pag-aaral ang kakulangan sa mga pagsasanay para sa sexuality education curriculum integration.
Ani Gatchalian, makatutulong din ang pagkakaroon ng mas mataas na edad para sa pagtukoy ng statutory rape, lalo na sa pagsugpo ng maagang pagbubuntis sa mga itinuturing na "very young adults." Sa 56,428 na mga sanggol na ipinanganak sa mga batang ina, limampu't isa ay anak ng mga batang babaeng may edad na sampu hanggang labing dalawa. Ayon sa POPCOM, maaaring bunga ang mga ito ng statutory rape.
Dagdag pa ng Komisyon, animnapung porsyento ng ama ng mga batang isinilang sa mga batang ina ay may edad na dalawampung taon pataas.
"Upang patuloy nating mapababa ang bilang ng mga batang ina sa mga susunod na taon, dapat nating tiyakin na may sapat tayong mga programa na magbibigay proteksyon sa ating mga kabataan. Dapat nating bigyan ito ng prayoridad dahil madalas napagkakaitan ng magandang kinabukasan ang mga batang ina," ani Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.
Gatchalian wants measures to sustain drop in teenage pregnancy