Reforms in the basic education sector should address persisting issues hounding the language of instruction, Senator Win Gatchalian said, amid the nationwide celebration of the National Language Month this August.

The language of instruction is considered one of the key issues hounding K to 12 schools. Some 94% of 15-year-olds who participated in the 2018 Programme for International Student Assessment (PISA) spoke a different language at home most of the time that is different from the language of instruction at school, which is English.

In the same global assessment participated by 79 countries, the Philippines ranked lowest in Reading with only one out of five Filipino students achieving at least the minimum level of proficiency. The Department of Education (DepEd) earlier acknowledged how this may affect student performance in both Science and Mathematics.

Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education Act of 2013, also known as the K to 12 Law, mandates the basic education curriculum's adherence to the principles and framework of the Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE). In implementing the MTB-MLE for Kindergarten and the first three years of elementary education, instruction, teaching materials, and assessment shall be in the regional or native language of learners.

From Grades 4 to 6, Filipino and English shall be gradually introduced as languages of instruction through a language bridge program until these two languages can become the primary language of instruction at the secondary level.

The implementation of the MTB-MLE also poses a challenge to teachers. A 2019 study by the Philippine Institute for Development Studies (PIDS) pointed to the lack of textbooks written in the mother tongue, as well as the lack of teacher training on using the mother tongue as a language of instruction.

"Maganda ang layunin ng mother tongue education na turuan ang mga bata sa wikang kanilang naiintindihan, ngunit nakikita natin na may mga hamon sa pagpapatupad nito at naaapektuhan nito ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Sa pag-reporma natin sa ating sistema ng edukasyon, kailangang resolbahin natin ang mga isyu sa mother tongue education," said Gatchalian, Chairman of the Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

The senator has earlier filed Senate Resolution No. 610 which seeks a Senate inquiry on the implementation of the MTB-MLE.

# # #

Gatchalian: Isyu sa wika ng pagtuturo dapat resolbahin sa paggunita ng Buwan ng Wika

Sa gitna ng paggunita ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto, binigyang diin ni Senador Win Gatchalian ang kahalagahan ng pagtugon sa mga isyu ng wikang ginagamit sa pagtuturo.

Ang wikang ginagamit sa pagtuturo ay itinuturing na isa sa mga pangunahing isyu sa mga paaralan ng bansa. Base sa naging resulta ng 2018 Programme for International Student Assessment (PISA), mahigit anim napung (94) porsyento ng mga mag-aaral na labing-limang taong (15) gulang ang gumagamit ng wika sa kanilang mga bahay na iba sa ginagamit sa mga paaralan.

Ayon din sa naturang assessment, kung saan halos walumpung (79) mga bansa ang lumahok, ang Pilipinas ang may pinakamababang marka sa Reading o Pagbasa. Lumalabas na isa lang sa limang mag-aaral sa bansa ang may sapat na kakayahan sa pagbasa. Ayon sa Department of Education (DepEd), maaaring naaapektuhan nito ang kakayahan ng mga mag-aaral na maunawaan ang kanilang mga aralin sa Science and Mathematics.

Mandato ng Republic Act No. 10533 o ang Enhanced Basic Education of Act of 2013, na kilala rin bilang K to 12 Law, na ipatupad sa curriculum ang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE). Sa unang tatlong taon ng elementary education, ang pagtuturo, mga kagamitan sa pagtuturo, at ang assessment ay isasagawa sa lokal o wikang pang-rehiyon ng mga mag-aaral.

Magpapatupad naman ng language bridge program sa paggamit ng Filipino at English sa Grade 4 hanggang Grade 6, hanggang ang dalawang wikang ito ang magiging pangunahing wika ng pagtuturo sa secondary level.

Ang pagpapatupad ng MTB-MLE ay isa ring hamon para sa mga guro. Sa isang pag-aaral na isinagawa ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) noong 2019, kabilang sa mga isyu ang kakulangan ng mga aklat na nakasulat sa mother tongue, pati na rin ang kakulangan ng teacher training sa pagtuturo ng mother tongue bilang wika sa pagtuturo.

"Maganda ang layunin ng mother tongue education na turuan ang mga bata sa wikang kanilang naiintindihan, ngunit nakikita natin na may mga hamon sa pagpapatupad nito at naaapektuhan nito ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa. Sa pag-reporma natin sa ating sistema ng edukasyon, kailangang resolbahin natin ang mga isyu sa mother tongue education," pahayag ni Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

Inihain ng mambabatas ang Senate Resolution No. 610 na isinusulong ang pag-repaso ng Senado sa pagpapatupad ng MTB-MLE.



Main Menu

Secondary Menu