MULING nanawagan si Senator Bong Go sa agarang pagpasa ng E-Governance Bill.
Nilalayon ng naturang panukalang batas ni Go na magtatag ng isang integrated, interconnected, at interoperable na impormasyon at resource sharing communications network sa pamahalaan para sa mas mabilis na paghahatid ng mga serbisyong pampubliko.Taong 2020 nang ipinanukala ni Go ang SenateBill No. 1738, o E-Governance Act of 2020 na naglalayong magtalaga ang bawat sangay ng gobyerno ng makabagong teknolohiya o digitalization sa nasyonal at lokal na pamahalaan sa kani-kanilang internal records management information system, information database, at digital portals para sa pagkakaloob ng mabilis na tugon sa mga pampublikong serbisyo.
Kabilang na rito ang nationwide digitalization na tutugon sa public health issues sa pamamagitan ng pagtataguyod ng e-health services na susuporta sa universal health care na mapanatili ang maayos na health system sa bansa.
Sa datos ng Philippine Institute For Development Studies (PIDS), aabot sa Php2.3 trillion ang nawalang sahod ng mga manggagawang pinoy dahil sa pananalasa ng COVID-19 pandemic na malaking dagok sa ekonomiya ng bansa, kabilang na ang mga mahihirap na tinamaan ng sakit at walang kakayahang makapagpagamot.
Upang diretsong masuportahan ang pangangalaga ng kalusugan ng mga pilipino, partikular ang mga mahihirap, ipinanukala ni Go ang pagkakapasa sa Republic Act No. 11463, o ang Malasakit Center Act.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 149 Malasakit Center sa buong bansa at target ni Go na madoble pa ang bilang na ito sakaling mahalal siya sa pagkapangulo sa 2022 para makatulong sa hospitalization expenses ng mga maralitang pilipino.
E-Governance Bill, isinusulong ni Sen. Bong Go na maipasa na
Related Posts
Publications
Press Releases
Video Highlights
[No related items]
Infographics
[No related items]