90% ng mga mahihirap o yaong nasa below the poverty line sa Southeast Asia ay nasa Indonesia at Pilipinas. Ito ang nasa ulat ng Asean-China-UNDP Report on Financing the Sustainable Development Goals.
Mabilis na umikot sa social media ang kabi-kabilang batikos sa kasalukuyang administrasyon bilang siyang may kagagawan kung bakit nasadlak sa isa na namang kalulunos-lunos na balita ang Pilipinas. Pero ayon sa mga ekonomista, ang datos na ito dapat tingnan kaakibat ng katotohanang nasa Indonesia at Pilipinas din ang kalakhan ng populasyon sa rehiyon. Sa kabuuang 700 milyong mamamayan ng Southeast Asia, nasa 250 ang nasa Indonesia at nasa 100 naman ang sa Pilipinas. Kung tutuusin, lagpas sa kalahati na ito ng kabuuang populasyon ng rehiyon at di kataka-taka kung nasa dalawang bansa din na ito ang bilang ng pinakamaraming mahihirap.
Madalas mai-ugnay sa usapin patungkol sa kahirapan ang isyu ng lumolobong populasyon sa isang bansa. May mga ang pagtingin sa populasyon ay problema dala na din ng katotohanang ang majority ng bilang nito ay nasa hanay ng mga mahihirap. Kung mas lalaki ang populasyon, ibig sabihin, mas dadami lamang ang bilang ng ipapanganak sa kahirapan. Subalit may mga iba naman na mas positibo ang pagtingin sa lumalaking populasyon. Madalas banggitin na dapat tingnan ang mamamayan bilang 'resource' o yaman at hindi isang suliranin. Ayon kay Dr. Alvin Ang, dating presidente ng Phil. Economic Society, ang babalanse sa pagtingin sa dalawang pananaw na ito ay ang alalahanin na ang ating 'yamang-tao,' tulad na din ng likas na yaman ng bansa, ay mga resources na kinakailangang i-"develop" at pagyamanin. Nandoon ang potensyal subalit kailangan pa itong linangin upang hind maging bahagi ng solusyon sa halip na pabigat.
Sa pinaka-latest na ulat ng Philippine Institute of Development Studies (PIDS), nakasaad doon na mamamayan ay 'human capital' na susi sa pag-unlad ng bansa. Ayon pa sa report, isa sa mahalagang paraan upang ma-harness ang capital na ito ay ang mag-invest sa edukasyon upang mabigyan ang mamamayan ng sapat na skills at competency na hinihingi ng ekonomiya. Tila swak na swak dito ang ipinasang batas ng Duterte Administration na nagbibigay daan sa free-tuition sa mga state colleges and universities (Universal Access to Quality Tertiary Education Act). Ang tanging agam-agam ay ang katotohanan na hindi lamang tuition fee ang kinakailangan upang makapagtapos ng pag-aaral. Malaking requirement din ang allowance sa araw-araw at iba pang school expenses. Bagamat maaaring mapalawak ng free-tuition ang access sa pag-aaral, nanatiling malaki pa din ang balakid sa completion o pagtatapos. Kapansin-pansin ito sa magkasing taas na enrolment rate at drop-out rate sa mga paaralan. Ito ang dahilan kung bakit marami ang nag-aalala na baka maging anti-poor ang polisiya kung saan hindi talaga mga mahihirap ang makikinabang kundi mga may-kaya na lalo pang naka-libre sa pag-aaral.
Malinaw na hindi perpekto ang batas at nangangailangan pa ito ng dagdag na suporta upang magtagumpay at talagang mapakinabangan ng higit ng nangangailangan. Sa kakulangan na ito maaaring pumasok ang papel ng mga non-government organizations at iba pang bahagi ng civil society bilang complementary social institutions sa pamahalaan. Sa sektor ng simbahan, hindi iilan ang may kakayanan na magtayo ng mga paaralan. Maaari pang mapalawak ang educational initiative na ito sa paglikha ng mga scholarship programs na tutugon sa mga karagdagang school expenses tulad ng living allowance, baon, at uniporme. Kung tutuusin, hindi naman kinakailangan ng isang foundation upang maisagawa ito. Kaya itong gawin sa simpleng ‘direct action’ ng mga miyembro ng simbahan na may kakayanan na mag-adopt ng mga needy but deserving na mga studyante. Kung mangyayari, isa itong konkretong hakbang hindi lamang upang makatulong sa mga pamilya na nasa paligid ng simbahan kundi maipadama na din ang pagtugon ng bawat mananampalataya sa hamon ng Panginoon na maging Mabuting Samaritano sa ating kapwa (Luke 10:25-37).