LUMABAS sa isang pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) nitong nakaraang Marso na may mga kakulangan ang programang health education ng gobyerno tulad ng pagkakaroon ng sapat na teacher training at learning materials.
Ito ang sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian saa kabila ng Republic Act 10354 o Responsible Parenthood and Reproductive Health Act of 2012 (RPRH Law) na nagmamandato ng angkop na reproductive health education.
Para sa senador, dapat tutukan ng Department of Education (DepEd) ang mga kakulangang ito lalo na’t kinatatakutang dumami pa ang bilang ng mga batang ina sa bansa dahil sa mga lockdown bunga ng pandemya.
Kamakailan lang ay iniulat ng Commission on Population and Development (Popcom) na nasa 2,422 sanggol sa Cordillera na ipinanganak mula sa teenage parents noong 2020, mas mataas ng halos 46.43 porsyento mula sa 1,654 naitala noong 2019.
Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ng 7% ang bilang ng mga batang inang may edad 15 pababa sa buong bansa noong 2019 kung ikukumpara noong 2018.
DepEd urged to find gaps in Reproductive Health education, stop increase in teenage pregnancies