Manila, Philippines – Muling iginiit ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang nauna niyang panawagan na maipasa ang panukalang magbibigay ng karagdagang benepisyo at prebilehiyo sa may 14 milyong solo parents sa bansa na tiyak na napapahirapan ngayon ng COVID-19 pandemic.
“Muli po akong nananawagan sa ating mga kapwa mambabatas na pagtuunan din ng pansin ang panukalang batas na naglalayong bigyan ng karagdagang benepisyo ang ating single parents. Kailangan po nila ito lalo na sa panahong mayroong COVID-19 pandemic,” ayon kay Go.
“Responsibilidad natin sa gobyerno ang siguraduhin na may sapat na proteksyon po tayong ibinibigay sa mga solo parents na kabilang sa vulnerable sectors ng ating lipunan,” dagdag niya.
Noong Hulyo ng nakaraang taon ay inihain ni Go ang Senate Bill No. 206 na layong maamyendahan ang Solo Parents’ Welfare Act of 2000 lalo’t hindi na sumasapat ang mga natatanggap na benepisyo ng single parents na kapwa breadwinner at caregiver ng kanyang pamilya.
Bukod sa SB No. 206 ni Go, naghain din ng kaparehong panukala sa Senado sina Senate President Vicente Sotto III, Senators Richard Gordon, Risa Hontiveros, Juan Miguel Zubiri, Ramon Revilla, Jr. at Imee Marcos na consolidated sa SB No. 1411.
“I am pushing for these amendments to the existing law to cater to as many solo parents as possible, to help them build a stronger family despite their situation, and to support them as productive members of society,” sabi ni Go.
Ayon sa World Health Organization-funded study ng Department of Health at ng University of the Philippines-National Institutes of Health, mayroong 14 million solo parents sa bansa, 95 porsiyento ay babae.
Sa hiwalay na pag-aaral naman ng state think tank na Philippine Institute for Development Studies, lumabas na walo sa bawat dalawampung babae ay nasa “vulnerable employment”.
Matatandaan na maging si Pangulong Rodrigo Duterte ay nanawagan din sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo ng nakaraang taon na ipasa ang nasabing panukala.