Pinuri ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga bagong pamamaraan ng mamamayang Pilipino para maging produktibo katulad ng online selling sa kabila ng kinakaharap na pandemya ng COVID-19.
Lumabas umano sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na bahagyang dumami ang bilang ng kababaihang online seller kumpara sa kalalakihan.
Sinabi ni CBCP Episcopal Commission on Women chairman Borongan Bishop Crispin Varquez, kinikilala ng simbahan ang mga inisyatibo ng mga kababaihang gumagawa ng pamamaraan upang kumita sa kabila ng pandemya para makatulong sa kanilang pamilya at sarili.
“We welcome this development. And we congratulate them,” ayon kay Varquez.
Samantala, nanawagan naman si Varquez ng patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan matapos na lumitaw din sa pag-aaral ng PIDS na kumikita umano ng higit P10,000 ang kalalakihan kumpara sa mahigit P6,000 kita ng kababaihang online seller.
Binigyang-diin ni Varquez na hindi dapat magkompetisyon ang kalalakihan at kababaihan sa halip ay magtulungan na lamang. (Juliet de Loza-Cudia)